5,188 guests

Dialogue ni Kris, ugat ng isyung break na sina Kim at Xian

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 869

Umiinit na naman ngayon sa mga netizen ang issue ng hiwalayan sa pagitan nina Kim Chiu at Xian Lim
dahil sa mga pahayag ni Kris Aquino in a short video na ipinost niya sa kanyang Instagram account last
Sunday.

Ang nasabing video ay may caption na “Our bonding -- Unscripted w/ @chinitaprincess UPLOADED
now”.

Tila kuha ang video sa block screening ng movie ni Kim na The Ghost Bride na si Kris mismo ang
nag-host last week.
    
At the start ay makikitang binabati ni Kris si Kim sa mahusay na acting na ipinakita nito sa
movie.
    
“Kimmy, congrats. Okay, first of all, there was never a dull moment. Na-proud ako sa ’yo kasi,
ito, and I think, lahat tayo we should ano...
    
“This is a movie that brought out the best in Kim because it was not reliant on a partner. I
was reading the reviews before coming here and consistent, sinasabi nila na maganda ang effects, pero
ang mas lalong nagdala doon sa ganda ng movie, ’yung consistency nu’ng acting,” sabi ni Kris na
ikinatuwa naman ni Kim.
    
Heto na ang next dialogue ni Kris na lumikha ng ispekulasyon among Kim’s fans.
    
“Pinag-pray pa kita kagabi nu’ng nagma-mass kami sa Padre Pio. Na sinabi ko talaga na...
sinabi namin na sana may you find true and lasting love. Talaga. Kasi gusto namin ’yun for you,” sey
ni Kris kay Kim at napangiti lang ang young actress.
    
At ’yun na nga, inulan na ng katakut-takot na comments ang post highlighting sa sinabi ni Kris
na pinagpi-pray niyang makatagpo ng tunay na pagmamahal si Kim.
    
Ayon sa isang follower na nag-comment, malinaw daw na sinasabi ni Kris na walang boyfriend si
Kim ngayon kaya hiwalay na raw ito kay Xian.
    
Ang iba naman ay nagtataka at nagtanong kung hiwalay na ba si Kim kay Xian para masabi ito ni
Kris.
    
Komento naman ng isa, “yes feeling ko break na c Kim at xian.”
    
May mga nagalit din kay Kris na KimXi fans at nakaka-offend daw sa kanilang mga tagahanga ng
dalawa ang sinabi ni Kris.
    
“@krisaquino dhl po statement nyo blik na nmn break up rumors. ilang times na nla deny nyan..
kilala nyo po kuya xian. alam nyo gnu nya kmahal ate kim. alam nyo gnu cya ksupportive kng kim.. work
o personal. pra sbhin nyo po yun nkaka offend po smin fans ng dlawa,” komento ng isang KimXi fan.
    
Ayon naman sa isa,  “@krisaquino di nmn po hiwalay ate kim at kuya xian. sorry.bothered lng po
ako statement nyo pray nyo mhanap kim true at everlasting love.”
    
May mga Kimerald (Kim and Gerald Anderson) fans ding nag-comment at natutuwa sila dahil pwede
na raw ulit ang mga idol nilang bida sa Ikaw Lang Ang Iibigin.
    
Komento ng isang Kimerald fan, “Loud and clear from miss @krisaquino wala ng Mr Right si
@chinitaprincess kimerald pa rin! Supportive pa rin si Ge kay Kimmy. Thank you ms Kris.”
    
Well, knowing Kris, feeling din namin talaga na hint niya ito sa tunay na kalagayan ng
lovelife ni Kris. It’s either hiwalay na or on the rocks. Again, feeling lang naman namin ito at
pwedeng mali.