Derrick tinablan kay Sanya

September 29, 2018
Sanya Lopez and Derrick Monasterio
Sanya Lopez and Derrick Monasterio

MATINDI ang sex appeal ni Derrick Monasterio sa pelikulang “Wild and Free” ng Regal Entertainment ni Mother Lily. Sa totoo lang, pwede siyang tawaging “young Derek Ramsay” at walang aangal, lalo na ang inyong lingkod na matinding tagahanga ng nag-iisang “Sexiest King” of Philippine movies.

Batambata pa si Derrick, pinagpapantasyahan na siya ng mga babae (young and old) at lalo na ng mga miyembro ng gay community.

Natatawa ang binatilyong anak ng dating sexy star ding si Tina Monasterio sa nangyayari sa kanya ngayon.  

“Handa na po ako ngayon sa magiging kapalaran ko sa showbiz,” aniya na muling natawa dahil sa palakpakan  mula sa movie press. "But it doesn't mean na lalayo na ako sa pagiging wholesome. Malaking challenge talaga ang haharapin dahil sa sexy movie ko ngayon.”

“Buti na lang at  si Sanya (Lopez) ang kapareha ko dahil close friend ko talaga siya," sabi ni Derrick.

Hindi naman niya itinanggi na may naramdaman siya habang ginagawa nila ang mga maiinit na eksena. “Imagine, NBSB (no boyfriend since birth) pa siya, pero pumayag siya sa mga eksena namin," ani Derrick.

Hindi maitatago ni Derrick na nanggigigil siya habang tinitingnan si Sanya kapag naghuhubad ito sa mga eksena.

“Matinding pagpipigil talaga ang ginawa ko para mairaos ko ang bawa’t seksing eksena namin ni Sanya,” natatawa niyang wika.