Derrick at Sanya, realistic ang love scene

September 24, 2018

Maganda ang feedback ng tambalang Derrick Monasterio at Sanya Lopez sa Wild & Free na unang pagsasama ng dalawa sa ilalim ng Regal Entertainment nina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Thumbnail

The two Kapuso actors are shedding off their wholesome image in this film in which they are required to do “wild” love scenes.

Aminado naman si Sanya na pinaghandaan niya ito bago pa man kinunan ni Direk Connie Macatuno ang kanilang first intimate scene inside the car.

Wika ng utol ni Jak Roberto, “Hinanda ko na ang sarili ko dito, gustong-gusto ko ‘yung natututo ako at nagi-improve.”

Ayon sa Kapuso hunk, ‘realistic’ ang ginawa nilang love scenes ni Sanya.

“Makikita n’yo sa mga eksena namin sa movie, the love making scenes are so sexy, I think nagawa namin ’yun together nang maganda,” paliwanag ng aktor.

Wild & Free will hit cinemas nationwide on October 10 at kasama rin sa movie sina Juancho Trivino at Ashley Ortega.

Tagged Under