Derrick at Sanya, labas-dila ang laplapan, umuusok ang birahan!

October 10, 2018
Derrick Monasterio

LABAS-DILA talaga si Derrick Monasterio sa laplapan nila ni Sanya Lopez sa Regal movie nilang Wild and Free.

Tilian nga ang manonood sa premiere showing nito Martes ng gabi kapag nagsimula na ang mga eksenang lampungan ng dalawa, huh!

Sa totoo lang, hindi mabibigo ang manonood na makita ang maiinit na eksena ng dalawang bida gaya ng nakita nila sa trailer.

Umuusok ang mga katawan nina Derrick at Sanya nang magbirahan sila sa loob ng kotse.

Kapag nakakaramdam na sila ng init, wala ring takot na pumapatong ang Kapuso actress sa Kapuso hunk na may pakita pang likod, huh!

Winner din ang ginawa nila sa ibabaw ng washing machine at ’yung agresibo nilang banatan sa couch.

Pero, take note, hindi lang si Derrick ang nakatikim sa alindog ni Sanya dahil meron din silang pasampol ni Juancho Trivinio.

Hindi lang ang maiinit na eksena ng mga bida ang kaabang-abang sa Wild and Free dahil maging sa maramdaming mga tagpo ay nagpakitang-gilas din ang dalawa.

Mula sa direksyon ni Connie Macatuno ang Wild and Free, na binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB) at R-13 classification ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).