Dennis, nalasahan ang ihi at dumi ng tao

October 28, 2018
Dennis Trillo

Ni-launch na ng Regal Entertainment ang teaser ng MMFF entry nilang One Great Love  na first time pinagtambalan nina Dennis Trillo at Kim Chiu. Gugulatin ni Kim ang fans niya at moviegoers dahil this is her first daring role at may love scenes siya kina Dennis at JC de Vera.

Pati nga si Director Joey Reyes, napansin ang kakaibang husay ni Kim sa One Great Love, pero sabi ni Eric, mahusay din sina Dennis at JC. Kampante rin si Eric na susuportahan ang movie sa MMFF.

Sabi pala ni Dennis, ayaw na sana niyang gumawa ng romance movie gaya ng One Great Love, pero nagbago ang isip niya nang mabasa ang script. Kapag napanood daw ang pelikula, malalaman kung bakit bumalik muna siya sa pakilig movie.

Samantala, inaabangan na rin si Dennis sa action/drama series ng GMA-7 na Cain at Abel na pinagsasamahan nila ni Dingdong Dantes. May mga eksena ang aktor na ngayon lang niya ginawa, gaya nang pagtalon sa tulay sa Sta. Cruz, Laguna na lasa raw ihi at dumi ng tao. Walang choice si Dennis na gawin ang eksena or else, hindi sila matatapos sa taping.

* * *

Napupuri si Carla Abel-lana sa role niyang si Crystal Roces sa Pamilya Roces  dahil keri niya ang karakter na bida-kontrabida at na-achieve ang wish nito sa presscon na gusto niyang magalit sa kanya ang viewers dahil nang-yayari nga.

’Katuwa ang reaction ng viewers na kasalanan niya kung bakit nagloko si Hugo (Rocco Nacino) at ang kapatid pa niyang si Amber (Sophie Albert) ang ginawa nitong kabit. Dahil wala siyang time sa asawa at puro negosyo ang ina-asikaso.

Nag-swear si Carla na hindi siya ganu’n in real life, hindi puro career at ne-gosyo ang focus niya, tanungin lang daw ang BF niyang si Tom Rodriguez. Pero natutuwa si Carla na nagagalit sa kanya ang viewers, kaya lang, dapat din silang magalit kina Hugo at Amber.

Speaking of Carla, natutuwa ito dahil may sarili na siyang branch ng Posh Nails after seven months. Nasa Ayala Mall Feliz ang branch ni Carla kung gusto niyang i-check o kung type niyang magpalinis ng kuko.

* * *

Sa imbitasyon ni Cristy Fermin, nanood kami ng concert last Saturday na The OPM Hitmen Live nina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Chad Borja at Renz Verano. Nag-enjoy kami sa concert pati ang maraming nanood dahil pawing mahuhusay ang apat, maganda ang repertoire at hindi lang sila sa pagkanta mahusay, swak din ang comedy antics ng apat.

Mas lalong gumanda ang concert sa presence ni Dulce na guest sa concert. Walang kupas si Dulce at abot na abot ang matataas na nota.

Nagpaka-propesyonal si Rannie dahil that night ng concert, second night nakaburol ang amang si Nilo Raymundo. Hindi siya kinakitaan ng lungkot at all out ang performance. After the concert, dumeritso sina Chad, Richard, Renz at Dulce sa burol ni Nilo na hanggang ngayong araw ang burol.

Ang wish ng mga nanood ng concert, balikan ni Rannie ang recording bilang solo artist dahil marami siyang bagong magagandang compositions.

* * *

Last Monday na ng morning series na Kapag Nahati ang Puso  na kung saan, 16 weeks sinubaybayan ng viewers sa GMA-7.

Gigil na ang viewers malaman ang magiging ending kay Miranda (Bing Loyzaga) na lahat na ng kasamaan ay ginawa kina Rio (Sunshine Cruz), Claire (Bea Binene) at Nico (Zoren Legaspi) at kung ang viewers ang masusunod, gusto nilang mamatay si Miranda.

In an earlier interview, nabanggit ni Zoren na ilan sa mga rason kung bakit niya tinanggap ang Kapag Nahati ang Puso ay dahil sa magandang story. Kasama ring inirason nito na first time niyang makatrabaho sina Sunshine at Bing at nag-enjoy siya to be working with the two.

Hindi pa alam ni Zoren kung ano ang susunod niyang project sa Kapuso Network, pahinga muna siya at open kung ang next teleserye ay makasama ang asawang si Carmina Villarroel at ang kambal nilang sina Mavy at Cassy.