Dennis at Dingdong, walang paki sa billing!

November 03, 2018
Dingdong Dantes and Dennis Trillo
Dingdong Dantes and Dennis Trillo

Hindi naging isyu ang billing kina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa action-drama na Cain at Abel dahil sa napanood naming plugging, una ang pangalan ni Dingdong bago ang pangalan ni Dennis at may “and” sa pangalan nila.

Ayan, walang isyu sa dalawang aktor sa billing, sana wala ring isyu sa fans ng dalawa.

Excited na ang Kapuso viewers na mapanood ang Cain at Abel  na sa BTS pa lang, kita nang maaksyon na hindi na bagong ginagawa nina Dingdong at Dennis. Ang bago rito, gaganap silang magkapatid na lalaki na magkahiwalay.

Samantala, isa na na-mang thrilling episode ang mapapanood sa Amazing Earth, this Sunday, after 24 Weekend billed Extreme Animal Babies: Amazon Survivors at animals sa Amazon rainforest ang tampok sa direksyon ni Rico Gutierrez.

Sa Tropang Palaban segment, makikita ang family bond ng giant otters nang subukan ng isang caiman na nakawin ang isang baby otter.

Sa  Kitang-kita Kami, aliw ang gimik ng young Pirarucu fish para maka-iwas sa caimans. May segment din ng river turtles sa Mga Buwisit na Buwit-re, may segment ng Ang Pakpak ng Prinsesa  at Lagot Kang Buwaya Ka.

Sa interview ni Ding-dong sa snake expert na si Jo Ledesma malalamang hindi lahat ng ahas ay venomous at ituturo nito kung paano ma-overcome ang takot sa ahas.