Denise ayaw pang magbigay ng detalye sa kasal nila ni Sol

September 16, 2018
Denise Laurel & Sol Mercado

AFTER almost one year of separation (they got engaged in 2013), singer-actress Denise Laurel has reconciled with cager fiancé, Sol Mercado (of  Barangay Ginebra Team) last year.

Come September 30 ay 31 years old na ang Kapamilya singer-actress na nagsimula sa theater when she was six years old.  Suot niya ngayon  ang engagement ring na bigay ni Sol almost five years ago na pansamantala niyang tinanggal nung sila’y maghiwalay.

Aminado si Denise na mahal pa rin niya ang fiancé kaya hindi naging mahirap ang kanilang reconciliation.  Malaking factor din umano ang kanilang respective families and friends lalung-lalo na ang kanyang 7-year-old son  (sa kanyang ex-boyfriend na isang Italian-American) na si Alejandro dahil very close ito kay Sol.

Pero hindi pa rin makapagbigay ng detalye si Denise kung kelan mangyayari ang kanilang wedding dahil pareho silang busy ngayon sa kanilang respective careers – si Denise sa showbiz habang si Sol sa basketball.

Si Denise ay naging  bahagi ng  morning TV series na “Sana Dalawa ang Puso” na nagtapos last Friday, September 14 at meron siyang special participation sa programang “Playhouse,” ang programang kapalit ng “Sana Dalawa ang Puso”. Kasama rin si Denise sa cast ng pelikulang “Man & Wife” (dating “Gulong ng Palad”) na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria mula sa direksiyon ni Laurice Guillen under Obra Cinema at Cineko Productions and is intended for the 2018 Metro Manila Film Festival.

Si Denise ay apo ng yumaong Pangalawang Pangulo na si Salvador Laurel at stage veteran actress na si Celia Laurel. Great grandfather naman niya si dating Pangulong Jose P. Laurel.  Pagdating naman sa kanyang mother side, great grandfather din niya ang dating gobernador ng Romblon na si Don Francisco `Paco’ Sanz. Great grand-niece din siya ni dating Pangulong Manuel Roxas making former DILG Secretary and also former Sen. Mar Roxas her cousin.  Uncle naman niya ang singer-actor  na si Victor ‘Cocoy’ Laurel.

Hindi man gaanong nabibigyan ng focus ni Denise ang kanyang singing career dahil mas kilala siya ngayon bilang isang mahusay na actress, nagagamit  naman niya ito whenever she has singing engagements and hosting jobs kung saan kailangan niyang kumanta.

Si Denise ay na-discover ni Mr. M (Johnny Manahan) sa isang play ng Repertory Philippines at agad siyang isinama sa youth-oriented program na “Ang TV2” na sinundan ng TV series na “Pangako sa `Yo.”

Naging ka-loveteam din ni Denise ang Fil-Norwegian actor na si Rafael Rosell na ngayo'y nasa Kapuso Network since 2012.