8,984

Deactivated

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 648

Ellen, kumalas sa Instagram!

As of Tuesday evening, deactivated ang Instagram (IG) account ni Ellen Adarna at ang nakalagay sa
page niya ay “User not found” at “No Posts Yet” dahil deleted na ang lahat ng post. 

May advisory din ang IG na “Sorry, this page isn’t available.” 

May 3.2M followers sa IG si Ellen bago siya nag-deactivate.
    
Ang last post ni Ellen ay mga eksena nina Brad Pitt at Anthony Hopkins  about letting go.
    
Inisip ng mga nakabasa na sagot ’yun ni Ellen sa post ni Angelica Panganiban na libro ni
Beau Ang na Para Kay Ex.
    
Si Angelica ang sumulat ng foreword ng book at may comment siyang, “Wala ka bang date
ngayong Valentine’s Day? ’Eto na lang kaya pagtripan natin? Bumili tayo ng libro. Tapos maglaro
tayo. Ng feelings. ’Yung parang ginawa lang din ng mga EX natin.”
    
Napa-comment si Direk Tonet Jadaone ng, “AY IBAAAAA.”

* * *

Pagkatapos ng McDo TVC na may 7.5M views na, ang sunod na pasabog ni Sharon Cuneta ay ang two-night
concert sa Smart Araneta Coliseum.

Ang two-night concert ay kasama sa 40th Mega Philippine Tour ni Sharon.
      
Mauuna lang ang concert ni Sharon sa Bacolod City sa June 1 sa SMX at July 14 sa Bohol.
    
Sa dami ng requests, for sure, may mga susunod pang schedule.
    
“The ‘BIG ONE’ My 40th Anniversary Concert will be staged at the Araneta COLISEUM where I
also held my first major two-night concert ‘SHARON, SOLO WITH THE BOYS’ in July 1984! SAVE THE
DATES!!! SEPTEMBER 28 * 29, 2018!!! This is gonna be my biggest ever (and hardest for me!) in 40
years. See you there! Thank you and GOD BLESS US ALL #mega40 #Mega2K18 #sharon2k18 #mega,” post ni
Sharon.
    
Samantala, natawa ang netizens sa pagpatol ng aktres sa pinost na meme ni Gabby Concepcion
sa eksenang nag-aaway sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon bilang sina Emma at Georgia dahil kay Rome
(Gabby) sa Ika-6 Na Utos.
    
“Joke lang po to ha. Patulan ko lang! Hahaha! ‘EH KUNG IBUHOL KO HAIR NYONG DALAWA
TOGETHER?!’ Eh, kay Sharon na yan unang-una pa, no?! Inyo na yang sinumang Rome na yan. Pero
magpugay muna kayo at magpaalam kayo sa original at totoo (est. 1981 pa) na SHARON-GABBY! Kasal
kasal kasal! Tabi nga dyan matakot kayo nandito na siya -- ang kay April kay April!” Hahahaha!”
    
“TEKA MAY PART 2: @concepciongabby O, nandiyan pa kayong mga babae kayo?!
    
“Dami niyo kasi kaya nagkagulo-gulo eh! MAY NANALO NA. TATLONG DEKADA NANG SECURE.
MAGSIUWIAN NA KAYO. DALI!!!! Hahahaha!”

* * *

Suot ni Mike Tan ang wedding ring sa presscon ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, pero kwento niya, on his
way to the presscon, inisip niya kung isusuot o hindi ang singsing.
    
Hindi raw niya alam kung paano sasagutin ’pag may nagtanong tungkol sa wedding nila ng
asawang si Chris last January 22.
    
Nanaig ang pagmamahal ni Mike sa asawa at sa sanctity ng kanilang kasal dahil isinuot ang
wedding ring.
    
Dahil may kasalanan ang aktor sa amin ni Nora Calderon nang itangging may balak na siyang
pakasal nang ma-interview namin sa pictorial ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka last December, bumawi siya
at pumayag ipakita ang picture ng asawa sa cellphone niya at sinabi pang “I’m sorry for lying.”
    
May ipinakita rin si Mike na wedding pictures nila ni Chris with pakiusap na ’wag kukunan.
Request pala ng asawa niya na ’wag ipaalam sa media ang kanilang kasal at nirespeto niya ang hiling
nito.