5,712 guests

Daniel may gustong subukan bilang aktor

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 247
Daniel Padilla Daniel Padilla

PAHUSAY nang pahusay umarte itong si Daniel Padilla.

Tamang timpla ang ipinapakita niyang emosyon sa kanyang karakter bilang si Tristan sa teleseryeng "La Luna Sangre." It  runs in the blood. He's really an intelligent actor. Dahil nakikinig at isinasapuso niya ang mga natutuhan niya sa kanyang mga direktor. 'Ika nga, may improvement at nag-e-evolve siya bilang aktor.

Pero sa pelikulang "Gandarrapiddo: The Revenger Squad," ibang Daniel naman ang makikita. Dahil isinantabi muna niya ang kanyang pagiging aktor. Hindi naman kasi acting vehicle ang nasabing pelikula na official entry ng Star Cinema at Viva Films sa darating na Metro Manila Film Festival 2017. Kasama niyang bibida rito sina Vice Ganda at Pia Wurtzbach. Ito ang paraan na rin para mas lalo siyang mapalapit sa mga bata. Sa takbo ng kanyang career, importante na maging blockbuster ang lahat ng kanyang gagawing pelikula.

Pero kung may choice siya, ano kayang klase ng pelikula ang gusto niyang gawin o karakter na gusto niyang gampanan? Just asking...

TONY LABRUSCA, BETTER WITHOUT A LOVETEAM?

UNTI-UNTI nang nakakagawa ng sariling pangalan itong si Tony Labrusca.
    
Kahit anak-artista siya, hindi niya ginawang bentahe ito para makapasok sa showbiz. Una siyang nakilala nang sumali ito sa first season ng talent-reality search na "Pinoy Boy Band Superstar" sa ABS-CBN. Bagaman hindi napasali sa Boyband.Ph, nagkaroon naman siya ng solo career.
    
Ngayon, napapanood siya sa "La Luna Sangre" na itinuturing niyang biggest break sa kanyang showbiz career. Para sa isang baguhan, magaling siyang umarte. Kaya mas nakikilala siya ngayon sa pag-arte kaysa sa pagkanta. At mukhang hindi niya kailangan ng ka-loveteam para sumikat. Pero ngayon, pilit siyang ipinapareha kay Kisses Delavin. Sa katunayan, nabuo na kaagad ang KissTon; na ngayon ay isinusulong ng kanilang mga fans.
    
Mas makakatulong kaya sa career ni Tony ang pagkakaroon ng ka-loveteam? Just asking.

Disclaimer:
    
Para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at justasking_pj @yahoo.com