Daniel mas abala sa GF kaysa career

October 31, 2018
Daniel Matsunaga and Karolina Pisarek
Daniel Matsunaga and Karolina Pisarek

TILA tahimik ang showbiz career ngayon ng Brazilian-Japanese model-turned-actor na si Daniel Matsunaga na ang huling TV series na ginawa ay yung “Be My Lady” na pinagtambalan pa nila ng kanyang ex-girlfriend na si Erich Gonzales na nagtapos sa ere nung November 25, 2016 although gumawa siya ng ilang pelikula since then.

Mukhang nagwu-work ang long-distance love affair ni Daniel with her Polish model girlfriend na si Karolina Pisarek na nakilala niya nang ito’y dumating sa Pilipinas nung isang taon for an ad campaign.  Dahil may time si Daniel ngayon, mas madalas niyang puntahan sa Poland ang kanyang kasintahan at maging doon ay kilala na rin umano siya dahil kilalang celebrity roon si Karolina.

Umaasa si Daniel na si Karolina na ang ‘the one’ para sa kanya matapos mag-fail ang naging relasyon niya sa dalawang showbiz personalities na sina Heart Evangelista at Erich Gonzales.

Samantala, dalawa na ang anak ng kanyang elder sister na si Vanessa Matsunaga  na married sa isang Filipino non-showbiz guy na si Jun Sunga.  May two year-old daughter na ang mag-asawa na si Isabella at bagong silang last October 18 ang kanilang baby boy na si David.

Tulad ni Daniel, na-absorb na rin ni Vanessa ang Filipino culture dahil matagal na silang namimirmihan dito sa Pilipinas at Filipino ang kanyang mister.