5,176 guests

Damay

  • Written by Peoples Tonight
  • Published in Showbiz
  • Read: 288

Sunshine sa malisyoso at maruming blind item: We don’t deserve this

Dapat lang mag-react si Sunshine Cruz sa malicious at maruming blind item sa kanya dahil pati mga
anak, nadamay. 

Hindi na namin idedetalye ang BI dahil pangit at tungkol sa kanila ng BF niyang si Macky
Mathay.

Pakiusap ni Sunshine sa nag-BI, “Spare my children and get your facts straight. I don’t
deserve the nasty comments being thrown to me by your followers. Macky and I are responsible parents
and we don’t deserve this from you.”
    
Magugulat ka lang dahil hindi alam ng karamihan sa active entertainment press ang BI na dapat
’pag ganu’ng malaking isyu ay kakalat at maraming makakaalam.

* * *

Ang saya ng reaction ng followers ni Kris Aquino sa tanong niyang: “If you were given the choice, in
the spirit of the season -- would you meet up with an eX? Should you give an eX a chance?”
    
Kaya masaya dahil kanya-kanyang payo kay Kris ang followers niya at kanya-kanya ring hula kung
sinong ex ang tinutukoy niya.
    
In fairness, ang gaganda ng advice ng netizens. May nag-akalang kay James Yap balak
makipagkita ni Kris, kaya nag-post ito ng: “The question had NOTHING to do w/ James. It was in
reference to a different X.”
    
Ang hula ngayon ay baka kay Quezon City Mayor Herbert Bautista makikipagkita si Kris at sa isa
pang ex niya na ’wag na lang natin banggitin ang name.
    
Mabuti pa, hintayin na lang natin kung kanino makikipagkita si Kris.

* * *

Galing sa opening ng TPLEx o Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway si DPWH  Sec. Mark Villar bago sila
humarap ng asawang si Cong. Emmie Aglipay-Villar sa entertainment press nu’ng Miyerkules.
    
Sa mga darating na buwan hanggang next year, marami pang bubuksang ganito si Sec. Villar as
part of the government’s Build Build Build project to ease traffic not only in Metro Manila but the
whole country.
    
Na-share ni Sec. Mark na for this year, P100B ang budget ng government for the infrastructure
and the same budget for 2018.
    
Sabi pa niya, tatapusin ni Pres. Rody Duterte ang mga ipinangako before his term ends. “Every
year, may matatapos at next year, mararamdaman na ang luwag ng trapik,” sabi ni Sec. Mark.
    
He is doing great job as DPWH secretary, kaso lang, ang quality time niya with his family ang
apektado, lalo na ang daughter nilang si Emma.
    
Sabi ni Sec. Mark, madalas, hindi niya nakikitang gising ang anak at sa presscon/ Christmas
party nga with the entertainment press, dumating si Emma, pero tulog.
    
“Tatapusin ko lang ayusin ang mga kalye at magpapahinga na ako,” sabi ni Sec. Mark.
    
Na-touch din ang press sa pakiusap niya para sa wife na, “Please pray for my wife at
suportahan pa rin niyo siya kahit wala na siya sa politics.” Awww!

* * *

TODAY na ang simula ng week-long showing ng Maestra sa eight SM cinemas (Megamall, Manila, Sta. Mesa,
MOA, North Edsa, Fairview, Southmall at Bacoor). Humingi ng suporta ang producer nitong
si Dr. Carl Balita, lalo na Dec. 8 and 9 screenings, para hindi agad ma-pull-out ang movie na kasama
sa CineLokal.
    
Sana, sipagin ang mga estudyante, teachers at mga konektado sa edukasyon na panoorin ang
pelikula dahil hindi lang sila makaka-relate, marami rin silang madidiskubre at matututunan sa
Maestra.
    
Sa direction ni Lemuel Lorca, graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB), bagay na
ipinagmamalaki nina Dr. Carl, Direk Lemuel at scriptwriter Archie del Mundo.
    
Mapapanood din dito ang husay umarte nina Angeli Bayani, Anna Luna at Gloria Sevilla.
Malalaman sa movie kung bakit nanalo si Anna bilang best lead actress at special mention ang script sa
Five Continents International Film Festival.