4,940

Dalawang celebrity beach weddings ngayong linggo

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 419
Rachelle Ann Go & Martin Spiesa    Billy Crawford & Coleen Garcia Rachelle Ann Go & Martin Spiesa Billy Crawford & Coleen Garcia

DALAWANG magkahiwalay na beach wedding ng celebrity couples ang magaganap sa linggong ito, ang West End and Broadway star na si Rachelle Ann Go at ang American executive na si Martin Spies at ang showbiz couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Sina Rachelle Ann at Martin ay muling bumalik ng Boracay seven months after mag-propose si Martin sa singer-actress doon nung September 8, 2017. Ang beach wedding ng dalawa ay gaganapin sa world-famous beach resort ngayong Huwebes, April 19 na dadaluhan ng kanilang respective families and close friends.

Nagtungo ng Boracay ang engaged couple last Sunday, April 15 matapos ang bachelorette party na ibinigay kay Shin (Rachelle Ann) ng kanyang mga kaibigan na ginanap sa Kallista Nail Pampel Lounge in Pasay City last Saturday, April 14.

Mukhang na-in love pareho sina Shin at Martin sa Boracay dahil ito ang pinili nilang lugar ng kanilang wedding which they set bago ang pansamantalang pagsasara ng nasabing tourist destination para irehabilitate.

Sina Shin at Martin ay unang nagkakilala sa isang church service in New York, USA nung February 9, 2017 sa pamamagitan ng kanilang common friend na nagngagalang Arlene Joy. Tila na-love at first sight si Martin kay Shin kaya he pursued her. Seven months after ay nag-propose na siya sa singer-actress sa Boracay on September 8, 2018.

Si Shin ay naka-break ngayon sa kanyang West End performance ng “Hamilton” habang na-leave din ngayon si Martin bilang top executive ng isang kumpanya sa New York City, USA.

Kasama sa mga inaasahang dadalo sa wedding nina Shin at Martin sa Boracay ngayong Huwebes ang kanyang malalapit na kaibigan tulad nina Sarah Geronimo, Mark Bautista, Erik Santos maging ang kanyang ex-boyfriend na si Christian Bautista na malapit na ring ikasal sa kanyang fiancée na exective ng Globe Telecom, si Kat Ramnani.

Samantala, matagal ding itinago ng engaged couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia ang petsa at lugar ng kanilang kasal na gaganapin sa Balesin Island in Quezon Province sa darating na Biyernes, April 20.

Dalawang wedding reception ang ihu-host nina Billy at Coleen. Bukod sa Balesin Island ay magkakaroon din sila ng isang reception in Manila para sa mga kaibigan na hindi invited sa kanilang beach wedding in Balesin Island.

JULIA AT JOSHUA NAGKAAYOS NA

MUKHANG naayos na ang tampuhan sa pagitan ng magkasintahang Julia Barretto at Joshua Garcia dahil magkasama ang dalawa na nanood ng UAAP volleyball game ng Lady Spikers ng De la Salle University at Lady Eagles ng Ateneo de Manila University last Sunday sa SM MOA Arena. Namataan din sa nasabing game ang isa sa mga co-star ni Joshua sa nagtapos na “The Good Son” na si Jerome Ponce kasama ang non-showbiz girlfriend nito na isa ring volleyball player na si Mika Reyes. Naroon din ang lead stars ng pelikulang “That Thing Called Tadhana” na sina Angelica Panganiban at JM de Guzman.

Teka, alam ba ito ni Carlo Aquino?

Samantala, masayang-masaya ang mga tagahanga ng JoshLia nina Joshua at Julia dahil pagsasamahin ang dalawa sa isang teleserye.

May niluluto rin umanong reunion movie for Angelica at JM bilang follow-up sa kanilang hit indie movie na “That Thing” na dinirek ni Antoinette Jadaone na ipinalabas nung February 2015.

JM TANGGAP NA ANG NANGYARI SA KANILA NI JESSY

NAPAKA-SUWERTE ng 29-year-old singer-actor na si JM de Guzman dahil kahit dalawang beses siyang nagpa-rehab dahil sa drugs abuse ay binigyan pa rin siya ng ikatlong pagkakataon ng Star Magic ng ABS-CBN para maipamalas ang kanyang talent hindi lamang sa pagkanta kundi laluna sa larangan ng pag-arte.

Tanggap na rin ni JM na malabo na silang muling magkabalikan pa ng ex-girlfriend niyang si Jessy Mendiola dahil alam niyang masaya na ito sa piling ng boyfriend nito ngayon na si Luis Manzano.

Ipinangako ni JM sa sarili na hindi na niya sisirain pang muli ang kanyang buhay ngayong muli siyang nabigyan ng panibagong pagkakataon.

KRIS BALITANG BABALIK SA ABS-CBN

KASALUKUYANG nasa Tokyo, Japan ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby Yap kung saan ise-celebrate ng tatlo ang 11th birthday ni Bimby on Thursday, April 19. Nakatakda silang bumalik ng Pilipinas sa darating na Biyernes, April 20 para harapin naman ni Kris ang marami niyang commitments.

May lumulutang na balita na malamang daw na bumalik si Kris sa Kapamilya Network na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon o di kaya sa Star Cinema kung saan din siya nakagawa ng ilang hit movies.

Samantala, ang Warner Bros. ang magri-release worldwide ng Hollywood romantic-comedy movie adaptation ng pelikulang “Crazy Rich Asians” na pinagbibidahan nina Constance Wu at Henry Golding kung saan may special guest appearance si Kris. The movie will be released in the US on August t 19, 2018.