Cristine, hindi na babalikan si Ali

October 07, 2018
Cristine Reyes

IT’S obviously a season for break-up in the local entertainment world. Not necessarily in the romance department lang, Ian F. And to know why, read on.

Start natin sa shocking but sad confirmation ng mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta that their marriage ay over na. Followed, of course, ng balitang imposible nang magtambal pa sa isang project sina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Na nangangahulugan din na kaput as sweethearts na rin sila.

We heard na confirm na ring wala nang balikang mamamagitan kina Cristine Reyes and her martial arts husband, foreigner Ali Kathibi.

The couple have a nearly three year-old daughter, Amarah.
Well-publicized ang tungkol sa annulment of marriage nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Dalaga na at isang recording star ang kanilang anak na si Angelina, panganay sa kanilang tatlong daughters.

Confirmed nang ’di na rin together sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla and his girlfriend of eight years, Jodi Sta. Maria.

Hanggang ngayon, ’di pa annulled ang marriage ni Jodi sa kanyang former husband na si Pampi Lacson, father of her nearly teenage son, Thirdy.

And did we hear it right na may “naaaninag” na hiwalayang mamagitan between Lovi Poe and her foreigner boyfriend, Chris Johnson.

And last, but not least, current topic ang sexual harassment case na diumano’y nakatakdang isampa ng entertainment tv reporter na si Gretchen Fulido sa ilang executive ng networks na kanyang pinagtatrabahuhan.