Cookies ni Jennylyn, dinadagsa!

October 27, 2018
Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

Sa kauna-unahang pagkakataon ay si Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado ang magtatamabal sa isang upcoming romantic-comedy (romcom) series ng GMA-7.

Sa recent post ni Gabby, makikitang super-excited ang aktor sa ginanap na meeting niya sa GMA-7 para sa nasabing soap.

“Last night we had a story conf. for new Romantic Comedy (Romcom) with new leading lady @mercadojenny. Babalik na si ROME! Mag teleserye na. Malapit na! Excited!” ang caption ni Gabby sa larawan nila ng Kapuso Ultimate Star.

Maging ang manager ni Gabby na si Popoy Caritativo ay nagpost din ng larawan na kuha sa nasabing meeting at sa caption, aniya, “Meeting for Gabby Concepcion’s new primetime show co-starring him with Jennylyn Mercado. Starting soon!”

Kinumpirma naman sa amin ng manager ni Jen na si Becky Aguila na may bagong drama series nga ang dalawa at malapit nang magsimula ang taping na eere raw sa January, next year.

Huling serye ni Jen ang The Cure na natapos last July habang si Gabby naman ay huling napanood sa Ika-6 na Utos na natapos naman last March.

At habang wala pang ginagawang bagong proyekto, sinamantala naman ito ni Jen na magbukas ng kanyang bagong negosyo, ang Chunky Dough na isang online cookie shop.

Si Jen mismo ang nagbe-bake ng mga cookies na kasalukuyang dinadagsa ng orders.