Confirmed

October 23, 2018
Marian Rivera

Marian, umaming guest sa MMFF entry ni Vice.

Kinumpirma ni Marian Rivera na nag-guest siya sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Fantastica: the Princesses, The Prince and the Perya, kung saan ay kasama ang asawa niyang si Dingdong Dantes with Vice Ganda and Richard Gutierrez.

Ito pala ang dahilan kung bakit bumisita siya sa set kamakailan.

Ayaw sana niyang i-reveal ito dahil hindi raw niya alam kung pwede nang sabihin, pero nag-leak na rin naman ito sa showbiz at marami na ring nakakaalam, actually.

Of course, may blessing naman daw ng GMA-7 ang kanyang guesting at siyempre, dumaan din sa kanyang Triple A management.

Ano ang reaksyon niya na natulala si Vice sa beauty niya?

“Mabait din naman kasi si Vice, eh. At ang nakakatuwa sa kanya, nakaka-appreciate siya ng tao, hindi man ako, pero nakikita ko ’yung kabutihan ng kalooban niya sa ibang tao rin. Ganu’n siya,” sabi ni Marian sa bonggang press launch niya kahapon ng bagong endorsement na Beautederm Home.

Happy pregnant mommy si Marian dahil ang saya-saya ng aura niya at ang nakakatuwa nga sa kanya, kahit buntis siya, dagsa pa rin ang offer sa kanya for endorsements.

Sey nga niya, ganito rin siya noong ipinagbubuntis niya ang panganay nilang si Zia.

Nasa second trimester na ang pregnancy ni Marian at next month pa raw nila malalaman ang gender.

Pareho na silang excited ni Dong, pati na rin si Zia. Sa sobrang excitement nga raw ng mister ay isinantabi nito ang pangarap na pagtulong sa taumbayan o pagtakbo sa eleksyon.

Pero hirit ni Marian, hindi ibig sabihin ay ganu’n na forever and it’s just that siya lang muna ang inuna ng asawa.

Samantala, tinanggap ni Marian ang Reverie by Beautederm Home  line of home scents from soy candles to room and linen sprays dahil mahilig daw siya talaga sa mabangong bahay.

Pati nga scented candles ay love na love raw niya kaya natuwa raw siya talaga na ie-endorse niya ang ganitong mga produkto.

“At nakakataba ng puso kasi first time nila na magkaroon ng mag-i-endorse sa kanila sa Home ng Beautederm kaya sobrang thankful ako and beyond that, alam kong nakabuo ako muli ng isang pamilya,” ani Marian.

Kapag tumatanggap daw siya ng endorsement, unang-una ay inaalam niya munang mabuti ang produkto, especially ngayong buntis siya.

“Anu-anong ingredients meron ito? Anong scent? Saan ito mabibili? So lahat ’yan tinatanong ko sa kanila. Nu’ng maamoy ko siya, at nakita kong organic pa siya, eh, mahilig ako sa mga amiy-amoy na mga scent, mabango sa kuwarto, sa bahay. So, sabi ko, parang walang dahilan para hindi ko siya tanggapin.”

Nang matanong kung sosyal ba ang kanyang talent fee, diretsong pag-amin ni Marian, “Sosyal!” sabay-tawa.