6,162

Confidential!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 472

WALANG kasamang Star Cinema boss o sinumang movie production executive o TV network manager sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nang maispatan na nag-lunch date nu’ng isang araw.

Dinenay ni Shawie ang balitang lumabas na ’yung lunch nila ni Gabo ay isa na ring meeting.

Sa post ni Sha sa Facebook page niya, lahat daw ng pinag-usapan nila ni Gabby ay confidential pa.

Siyempre, abangers na ang fans nila na sa pelikula na sila makikitang naglalambingan after ng hit TV commercial nila para sa isang fast food chain.

’Yun nga lang, sa mga nakaraang post ni Shawie sa lumang photos nilang magkasama ni Gabby, may mga hanash pa rin ang ilang netizens na nagbibigay malisya sa pagiging malapit nila sa isa’t isa, huh!

* * *

SANIB-PUWERSA ang Kapuso artists kahapon sa GMA Network para sa shoot ng GMA Station ID.
    
Si Ai-Ai de las Alas, sumama sa kapwa niya magandang sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado at agad pinost sa kanyang Instagram.
    
Kumpulan naman sa post ni Gabbi Garcia ang co-Sang’gre niyang nakasama sa Encantadia na sina Glaiza de Castro, Mikee Quintos at Sanya Lopez.  
    
Na-miss nila sa photo op si Kylie Padilla.
    
Kung may nag-aabang kung kasama si Maine Mendoza sa Station ID shoot ng Kapuso Network, ’yon ay ang kanyang fans.
    
Eh, hindi man nakasama sa ginawang shoot, sure na hindi siya mawawala sa separate shoot na gagawin ng Eat Bulaga Dabarkads na nakagawian na nilang gawin at isinasama na lang sa TV plug.
    
Of course, pasok sa shoot si Alden Richards dahil contract artist siya ng GMA, ’di tulad kay Meng na mina-manage ng Triple AAA.