Concert ni Marlo, dedicated sa namatay na ina

October 20, 2018
Marlo Mortel
Marlo Mortel

Ilalabas ni Marlo Mortel ang kanyang pagiging “old soul” sa nalalapit niyang concert na imMORTELized na gaganapin sa October 26 sa Music Museum.

Mahilig daw talaga siya sa mga lumang kanta, in fact, nagbigay pa siya ng sample sa amin during his presscon for the concert ng  isang lumang kanta ni Frank Sinatra.

“Ang aim ko is for the audience to feel reborn kasi I’m gonna relive their favorite songs from the '70s, '80s, '90s up to now. Any age bracket talaga makaka-relate and mag-eenjoy kasi mga favorite natin since before,” paniniguro pa ng singer-actor sa magaganap sa kanyang concert.

Pangalawang concert na ito ni Marlo dahil nagkaroon na siya ng successful benefit concert para sa yumaong ina.

“Happy ako pero more on pressured kasi siyempre, hindi rin naman ganun kadaling gumawa ng concert. Pero sana madaming maka-appreciate at madaming sumuporta. ’Yon lang naman ang gusto ko,” sambit pa niya.

Ayon pa kay Marlo, ang kanyang imMORTELized concert ay dedicated para sa yumaong ina na nagkaroon ng sakit na cancer.

“Dine-dedicate ko ito para kay mommy, kasi isa din ito sa dream niya, na magkaroon ako ng concert. Dream namin ito pareho kaya meron ako ditong portion na talagang para sa kanya,” kuwento pa ng binata.

Bagama’t may lungkot dahil hindi na mapapanood ng mommy niya ang concert, gagawin pa rin daw niya ang kanyang best sa gabi ng show.

“Well, ’yung lungkot tinurn ko na lang into determination. Para din naman sa kanya itong gagawin ko. And I know na kung buhay siya, ito ’yung gusto niyang mangyari,  ’yung galingan ko.

“Kaya,  oo,  malungkot wala na siya pero kailangan mag-move on. Dito pa naman ‘yung daddy ko and yung ibang family ko. And I know she’s watching from above,” pahayag pa niya.

Guest ni Marlo sa kanyang concert si Sue Ramirez pero may mga surprise guests din daw siya na ayaw niyang i-reveal.