Coco namudmod ng pera at kotse

September 25, 2018
Coco Martin

NANINIWALA ang Primetime TV King at bida ng top-rating and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin na hindi niya kayang solohin ang kredito ng tagumpay ng kanyang serye dahil group effort umano ito – mula sa management, creative  and production staff, technical crew, cast at kahit ng maliliit na workers kaya nung nakaraang linggo ng gabi ay binigyan niya ng importansiya ang mga tao sa likod ng camera.  Ito’y ginanap sa Vertis North (Tent) kung saan tumuloy ang lahat pagkatapos ng guesting ng cast sa ASAP.  Doon ay nagpa-raffle si Coco ng mga papremyo (both cash and in kind) na nagkakalaga ng halos dalawang milyong piso na ang pinakamalaking premyo ay isang brand new Toyota Vios na ang price range ay between P617,000 to P875,000.  Nagpa-raffle din siya ng TV entertainment package, sound  system na parehong nagkakahalaga ng P50,000 each labas pa rito ang sari-sari store package kung saan kasama ang mga products na ini-endorso ng drama at action star na si Coco.

Ang kotse ay napanalunan ng isang lady editor na ang  mister na isang assistant director ay nanalo naman ng P100,000.  Nagpa-raffle din si Coco ng P300K para sa umabot na ng tatlong taon sa programa, P200K sa dalawang taon at P100K naman sa umabot ng isang taon.  Namudmod pa si Coco ng limang tig-P100K na nakuha ng isang production designer, isang make-up artist, wardrobe in-charge at iba pa.

Hindi man nanalo ang iba, masayang-masaya ang lahat at nagkaroon ng festive mode sa loob ng tent ng Vertis North kung saan nagsilbing Sta. Claus si Coco sa mga staff and crew ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Samantala, napuno ang studio kung saan ginaganap ang lingguhang musical variety show na “ASAP” last Sunday na dinaluhan ng mga major and minor cast ng action-drama TV series at maging 'yung mga naunang naging bahagi ng programa but visibly absent sina Maja Salvador (isa sa mga naging leading-lady ni Coco sa serye) at ang actor na si Arjo Atayde.  

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay unang umere nung September 28, 2015.

Bukod sa mga papremyong ipinamigay ni Coco last Sunday evening, kilala rin si Coco sa pagiging generous hindi lamang sa mga taga-production kundi maging sa iba na nangangailangan ng tulong.  Siya rin ang nagpapa-aral sa mga batang kinuha niya para mapabilang sa programa kaya hindi kataka-taka kung umagos man ng tuluy-tuloy na biyaya sa kanya dahil marunong siyang mag-share ng kanyang blessings laluna sa mga taong nangangailangan.