6,610

Coco, may sariling pa-motorcade at palengke tour para sa ‘Panday’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 879
Coco Martin Coco Martin

KUNG ang iba ay mall tours ang ginagawa para i-promote ang kani-kanilang Metro Manila Film Festival movies, iba ang naging diskarte ng Ang Panday lead actor and director na si Coco Martin.

Walang kapagurang sinusuyod ni Coco ang iba’t ibang lugar sa kamaynilaan para makisalamuha sa ordinaryong mamamayan. As of yesterday, sa Baclaran naman nag-motorcade si Coco.

Pero bago nagpunta ng Baclaran, maaga pa lang ay naglibot na si Coco at ang kanyang tropa sa ilang lugar sa Maynila.

Nagkaroon din ng palengke tour si Coco sa Nepa Q Mart, Balintawak at Muñoz Market sa Quezon City.

Bago ang paglilibot sa Metro Manila ay nagpunta na rin sa iba’t ibang probinsya si Coco para i-promote ang kanyang pelikula. As expected, lahat ng lugar na pinupuntahan niya ay dinudumog ng mga tao.

Almost a week before the showing of Ang Panday sa Dec. 25, huwag na kayong magulat kung makita niyo rin si Coco na nagmo-motorcade sa inyong lugar. Ganyan kasipag si Flavio, huh!
    
On Dec. 23 ay makikita naman nang personal ng mga taga-Muntinlupa si Coco para sa gaganaping MMFF Parade of Stars doon kasama ang iba pang cast ng Ang Panday like Mariel de Leon, Kylie Verzosa, Awra, Jake Cuenca at marami pang iba.
    
Samantala, inamin ni Coco nang makausap namin siya after ng special screening ng Ang Panday sa Trinoma na malaking tulong na karamihan sa cast ng pelikula ay mga katrabaho niya sa Ang Probinsyano.
    
“Actually, ’yun ang sikreto ko. Kasi sabi ko nga, first movie ko ito, eh, kailangan lahat ng mga taong makakasama ko dito yung mga taong naniniwala sa akin.
    
“Kasi ang hirap nu’ng parang magtratrabaho ka as a director tapos may doubt sa ’yo ’yung mga tao mo. Kaya parang habang shinu-shoot ko ito, ang sarap ng pakiramdam kasi lahat sila gusto nila mag-succeed ka,” pahayag ng aktor.
    
Ang Panday ay produced ng CCM Films, Star Cinema and Viva Films. Nabigyan ito ng Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).
    
Base sa reaksyon ng entertainment press na nakapanood sa advance screening ng pelikula ay pasadung-pasado si Coco bilang direktor kahit unang beses pa lang niya itong ginawa. Kompleto ang pelikula -- may action, comedy, fantasy, musical -- na tiyak magugustuhan ng mga bata.
    
May rap battle din sa pelikula na tiyak na makaka-relate ang mga millennials at mga hiphop ng Tondo.