6,142

Clique5, level-up ang performance sa first major concert

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 557
Clique5 Clique5

SA Februry  27 na magaganap ang kauna-unahang pagsabak sa concert scene ng  all-male group na Clique5.  Billed as Clique5 Live! marami raw kaabang-abang sa concert ayon mismo sa pitong members ng grupo.

“Magpe-perform po kami as a group pero meron din kaming individual production number,” kuwento ni Marco.

Bukod kay Marco na kakanta  ng RnB songs ay magpapakitang gilas din bilang singer sina Rocky at Clay.

Ayon naman kay Karl, “Mas ni-level-up din po namin yung dance number namin sa show. One month na po halos kaming nagre-rehearse para ma-perfect yung steps at sigurado po kaming magugustuhan nila ’yung gagawin namin.”

Makakasama naman ni Karl sa paghataw sa stage sina Tim at Josh.

Sexy dance number naman ang gagawin ni Sean kasama ang sexy  star na si Sheree sa isang ala-Magic Mike production number. Tiyak daw na paiinitin nina Sean at Sheree ang stage kapag nag-perform na sila.
    
Dahil first major concert ito ng Clique5 kaya talaga namang naka-focus sila sa rehearsals.
    
“Siyempre po, ayaw po naming mapahiya kaya talagang naka-focus po kami sa rehearsals. First concert po namin ito kaya gusto namin na maging memorable ito sa audience,” pahayag ng grupo.
    
Dagdag pa nila, “Excited na po kaming mag-perform on stage at ipakita kung ano ang kaya naming gawin. Sana po ay magustuhan nila ang performance namin.
 
Bukod sa Clique5 Live! concert ay busy rin ang Clique5 sa pagpu-promote ng kanilang debut album na ang carrier single ay Puwede Ba, Teka Muna na sinulat ng award-winning composer na si Joven Tan.
    
Kasama rin sa album na puro original compositions ang mga kantang Ako Nalang Sana,  Bakit Hindi, Magmula Ngayon, Mabuti Nalang at Sana Naman.