Clique V at Belladonnas, mabilis ang pag-angat!

September 22, 2018
Belladonas

Ang bilis talaga ng panahon. Imagine, isang taon na pala sa showbiz ang grupong Clique V at Belladonnas.

Belladonas
Belladonas

September 2018, pagkatapos ng Circle of 10 pageant, nang buuin nina Len Carillo at Kathy Obispo ang 3:16 Events & Talent Management. Simple lang ang goal nila, tulungan ang mga teenagers na sumali sa pageant.

Binuo nila ang grupong Clique V at Belladonnas na karamihan sa original members ay galing sa Circle of 10.

Naunang ini-launch ang showbiz career ng Clique V kesa sa Belladonas. November 2018  nang ipa-kilala sila sa entertainment press. First quarter naman ng 2018 nang i-launch ang Belladonnas.

Nagkaroon agad ng self titled debut album ang Clique V at nag-hit ang unang Christmas song nila titled Tuwing Pasko. Last February, ginanap din ang first major concert ng grupo sa Music Museum.

Recently, nakakuha din ng nominasyon sa PMPC Star Awards for Music ang Clique V.

With Regards to Belladonnas, any time soon ay ire-release na rin ang kanilang album. But for the meantime, busy rin ang grupo sa school tours and shows kasama ng Clique V.

Sumabak din sa acting ang ilang members ng Clique V at Belladonnas sa isang advocacy film titled Kodep. In fairness, kahit one year pa lang, mabilis ang naging pag-angat ng dalawang grupo, huh!