6,006

‘Citizen Jake’ baka first and last movie ni Atom

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 512

Hindi pa masabi ni Atom Aurallo kung kailan magkakaroon ng commercial run ang first movie niya na
Citizen Jake na comeback directorial project ni Mike de Leon. 

Aniya, nang makausap namin sa National Breakfast Day celebration ng McDonalds, siyempre ay
umaasa rin daw siya na marami pa sana ang makapanood ng movie. 

“Pero maraming kailangang isipin, maraming considerations, so we have to wait for the next
announcement,” pahayag ni Atom.
    
Narinig ba niya ang issue na tila ayaw umanong i-review ng MTRCB (Movie and Television
Review Classification Board) ang pelikula?
    
“As a director and the producer, I’m sure that’s something that Mike is thinking about. He
doesn’t want any cuts in the movie, neither do I, as a co-scriptwriter, so we really have to see
what’s the best thing to do, kung ano ang best move at this stage,” he said.
    
Okay lang ba sa kanya kung sa school na lang iikot ang movie at walang commercial run?
    
“As long as more people get to see it, I’m all for it,” sambit niya.
    
Natanong din namin ang journalist/newbie actor kung ano ang feeling niya na ang daming
kontrobersiya sa first movie niya at aniya, hindi na raw siya nagulat dito.
    
“Alam ko na naman ’yun sa simula pa lang, eh. Hindi naman ako nagulat na do’n, saka hindi
naman ako nanginginig sa kontrobersiya, sa trabaho natin. Kapag ’yung mga istoryang ginagawa mo ay
hindi kontrobersyal o hindi nagiging kasuklam-suklam para sa mga tao, ang biro diyan, hindi mo
ginawa nang tama ’yung trabaho mo.
    
“So, kung ang pelikulang ito ay mag-uudyok sa iba na mag-isip o mag-uudyok sa iba na
kumilos, siguro magiging irritant para naman sa illan, then I think, part of the function of this
film has already been accomplished,” he said.
    
When asked kung hindi na ba masusundan ang pelikula niya o ang pag-arte, ayon kay Atom ay
mahirap magsalita nang tapos.
    
“Hindi natin alam ang mangyayari five years from now, 10 years from now. All I can say is
that it’s not a priority, I’m perfectly happy doing stories for news and public affairs,” he said.
    
Dagdag pa ni Atom, marami pa siyang gustong gawin and as long as hindi naman makakaapekto
sa kanyang trabaho bilang journalist, kung may darating pang movie offers ay baka i-consider daw
niya.
    
Samantala, in celebration of National Breakfast Day ng McDonalds ay naglabas  sila ng
inspiring video about Marawi mothers who gave birth to they children (na tinawag na baby bakwits)
during the Marawi siege.
    
Si Atom ang bumisita sa mga nasabing nanay para kapanayamin ang mga about their struggles
mula nang ipagbuntis nila ang baby hanggang sa makapanganak.
    
Bukod kay Atom, dumalo rin kahapon sa “breakfast presscon” ang iba pang talents ni Noel
Ferrer na sina Iza Calzado, Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, Marco Alcaraz, Joanne Ampil, Mitch
Valdez, Rowell Santiago, among others.