Christian tuloy na ang kasal sa Disyembre

October 04, 2018
Christian Bautista and Kat Ramnani
Christian Bautista and Kat Ramnani

NAGKASABAY kami sa elevator ng Prime Hotel in Quezon City  ni Christian Bautista kung saan ginanap ang mediacon ng bagong primetime TV series ng GMA, ang “Pamilya Roces” kung saan kabilang ang hitmaker at actor.  Inamin nito sa amin na tuloy na umano ang kanilang kasal ng kanyang fiancée, ang Globe executive na si Kat Ramnani sa darating na December 2, 2018  na  gaganapin sa Manila Hotel.

“It’s very private,” diin ni Christian.

Pero dahil nagmamadali si Christian to catch his flight, hindi na namin ito natanong pa ng iba pang detalye ng kasal.

Sina Christian at Kat ay unang nagkakilala nung 2016 and got engaged in Venice, Italy nung October 30, 2017.  

Since nasa Amerika si Kat sa loob ng  10 taon (2002 to 2012), wala siyang idea na isa palang sikat na personality si Christian na inakala niyang isa pa lamang upcoming singer.  Pero nang ipakita niya  sa kanyang mga kaibigan ang picture ni Christian doon lamang niya nalaman na sikat pala ito. Nagsimula siyang  i-Google ang kanyang dini-date noon at saka niya tinanong si Christian kung bakit hindi sinabi sa kanya ang kanyang status at nangiti na lamang ang singer-actor.

Bago si Kat ay naging girlfriend din ni Christian ang Filipina West End star na si Rachelle Ann Go na may asawa na rin ngayon, ang American executive na si Martin Spies. Sa kabila ng paghihiwalay nina Christian at Rachelle Ann, nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Samantala, ang “Pamilya Roces” na magisismulang mapanood sa darating na Lunes, October 8 pagkatapos ng “Onanay” ay siyang magsisilbing comeback TV project ng premyadong director na si Joel Lamangan sa bakuran ng Kapuso Network.   Ito’y tinatampukan nina Carla Abellana, Gabbi Garcia at Jasmine Curtis kasama sina Roi Vinzon, Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, Rocco Nacino, Snooky Serna, Ana Roces, Mika de la Cruz, Sophie Albert, Shaira de la Cruz, Manolo Pedrosa at iba pa.