5,806

Christian natulala nang makaharap si Jericho

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 241
Jericho Rosales & Christian Bables Jericho Rosales & Christian Bables

HINDI lang si Jericho Rosales ang inaabangan sa teleseryeng “Halik” na mapapanood na sa Lunes kundi ang controversial new actor na si Christian Bables sa nasabing project ng Dreamscape Productions.

Sa interview ng kaibigang Boy Abunda kay Christian sa “Tonight with Boy Abunda” tinanong siya ni Boy kung totoong matindi ang paghanga niya kay Jericho.

“Opo, Tito Boy,” sagot niya. “Alam ng lahat ng nakakakilala sa akin kung gaano ko hinahangaan si Echo. Hindi po niya alam na sa mga eksenang magkasama kami, natutulala po ako. Gusto ko nga magpa-picture sa kanya. Hindi ko rin alam kung nagawa ko nang maayos ang mga eksena namin."

Para kay Christian, isa 'yun sa mga pangyayari sa kanya ngayon na hindi niya makakalimutan.

“Ang daming magagandang nangyari sa buhay ko ngayon, tulad ng pagkakapili sa akin ni direk Chito Rono na maging bida sa pelikulang 'Signal Rock' na entry ng Regal Films para sa Pista ng Pelikulang Pilipino," sabi pa ni Christian.

“Natapos na rin ang problema ko kina direk Jun Lana at direk Perci Intalan. Kung hindi dahil sa kanila, hindi dumating sa akin ang napakagandang opportunity sa pelikulang “Die Beautiful” na nagbigay sa akin ng best supporting actor noong nakaraang taon sa Metro Manila Film Festival na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros. Pinatawad na nila ako, thank God."

Gayunman, may masasabing malungkot din na nangyari sa kanya.

“Ang malungkot lang, namatay ang lolo ko kailan lang," pagtatapat ni Christian. "Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na dalawin siya. Siya ang nagsabi sa akin na nasa tama akong direction ng gusto kong career. Kasi, matagal akong nagtago sa parents ko dahil ayaw nila sa mga role na pino-portray ko on-screen. Yung baklang-bakla ako lagi.

“Naging sobrang busy kasi ako. Dapat sana’y nagkaroon ako ng pagkakataon na mayakap siya at maramdaman niya ang appreciation at pagmamahal ko.

Hindi napigilan ni Christian ang mapaiyak, dahil sa kanyang lolo.

Natutuwa rin si Christian dahil naniniwala ang mga humahanga sa kanya na totoong lalake siya at hindi katulad ng mga ginampanan niyang award-winning roles.

Matindi din siyang magmahal (ng babae) at nasagot niya si Boy sa tanong nito kung gaano katagal ang naalaala niyang longest kiss niya sa isang babae.

“Isang oras po,” anya.

At sino sa ngayon ang gusto niyang makahalikang babae.

“Si Jane Oineza po. Pero magkaibigan lang po kami.”

JC UMAMIN SA NAGING SAKIT

HINDI ikinahiya ni JC Santos ang katotohanang nagkaroon siya noon ng TB (tuberculosis).

“Nag-undergo ako ng medical exams dahil required sa kinukuha kong kurso. Iyon, nadiscover na mayroon pala akong TB. Nagulat ako dahil 16 years pa lang ako noon at walang signs akong
naramdaman na mayroon akong ganun.

“Buti na lang at tinulungan ako ng isa kong professor. Six months akong ginamot at gumaling naman ako,” patuloy niya.

“Pati pag-aaral ko ay sinagot din niya dahil malaki-laki ang tuition fee ko noon (P16,000).

"Dalawa lang kaming magkapatid ng younger sister kong si Janine. Tinanggap namin nang maluwag sa dibdib na ganun talaga ang pamilya namin. Parehong OFW ang parents namin at naging ganun din ako.

"Ngayon, okey na rin ang buhay naming magkapatid. Maganda na rin ang nagyayari sa career ko. At si Janine naman, tapos na rin at may maganda na ring trabaho.

Siya ang bida sa pelikulang “The Day After Valentines” kasama si Bela Padilla for the Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Last year, maswerte rin ang unang pagtatambal namin ni Bela sa pelikulang “100 Tula para kay Stella.”