5,432 guests

Christian, martir, bulag at tanga!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 683

Christian, martir, bulag at tanga!

Successful ang pakikisaya ng cast ng Meant To Be sa Magayon Festival ng Legazpi, Albay noong May 20. Punumpuno ang Peñaranda Park at masaya ang lahat na pinanood sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto. Kasama rin nila sina Mika dela Cruz at Tess Bomb na siya ring nag-host ng event.

Wala pang headcount kung ilang libo ang dumating, pero sa nakita naming pictures, sobrang dami. Hinanap ng tao si Barbie Forteza na hindi nakasama dahil may prior commitment.
    
Sunod na mapapanood ang Meant To Be Boys  at si Mika sa Stop the Hate Start to Love concert ng Thomasian Alumni sa May 27 sa UST. Kapamilya stars ang kasama nila at iba pang celebrities.
    
Anyway, ang balita namin, tuloy ang taping ng MTB sa Singapore sa first week ng June. Also, after Yes!, sa Mega Man cover ang MTB Boys at imbitado sila sa Mega Pride Ball sa June 12.

* * *

“Martir, bulag at tanga” ang description ni Christian Bautista sa Winston role niya sa My Love From The Star. Martir siya dahil patuloy niyang mamahalin si Steffi (Jennylyn Mercado) kahit alam  si Matteo (Gil Cuerva) ang gusto.
    
Bulag at tanga siya dahil hindi nakikitang mahal siya ni Lucy (Jackie Rice). Isa sa mahirap na eksena ni Christian ay nang mag-confess si Lucy na mahal niya si Winston pero hindi niya masuklian ang pagma-mahal nito.
    
“Ang hirap ng scene na ’yun, emotional turmoil and I felt so bad about Winston after that scene. Masaya ako dahil sabi ni Direk Joyce (Bernal), okay ang ginawa ko,” sabi ni Christian.
    
Balik-acting si Christian at natutuwa na rom-com series ang My Love From The Star, hindi masyadong drama at alam niyang maraming fans ang Korean at original version nito, kaya kailangan nilang galingan.
    
Pinanood niya ang Korean series para alam niya ang story, nagandahan at nagustuhan niya. Kampante itong magugustuhan ng viewers ang Pinoy version ng My Love From The Star na pilot sa May 29.