Christian, clueless sa paglipat ni Regine sa ABS-CBN!

October 01, 2018
Christian Bautista

Tapos na ang The Clash na kung saan, isa si Christian Bautista sa judge at sabi nito nang makausap namin sa taping ng Pamilya Roces, makakapahinga na siya sa bashers. May mga nagagalit sa kanya dahil sa istilo nang pagdya-judge niya na very technical daw.

Hindi kinumpirma ni Christian kung may season 2 ang The Clash next year at lalong hindi kinumpirma kung si Regine Velasques pa rin ang host. Kunwari ay hindi alam ang balitang lilipat sa ABS-CBN si Songbird.

Anyway, kahit wala ng The Clash, may shows pa rin sa GMA-7 si Christian dahil guest siya sa Victor Magtanggol  at nag-taping na.

Kasama rin siya sa cast ng dramedy na Pamilya Roces as Atty. Ralph Gomez, ang lawyer ng Roces family. First time gumanap na lawyer si Christian, enjoy siya at maraming natututunan. Sa October 8, ang pilot ng show sa direksyon ni Joel Lamangan.

Kasama rin si Christian sa performers ng Studio 7,  ang bagong musical-variety show ng network na sa Oct. 14 ang pilot. Excited si Christian na may musical show uli ang GMA-7 at magtutulung-tulong daw silang kasama sa show para maging successful ito.