Cesar at Sunshine, annulled na, pwede nang magpakasal sa iba

November 01, 2018
Cesar Montano
Cesar Montano

SINCE annulled na ang kasal ng dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz na ang desisyon ay ibinaba ng korte nung nakaraang September 18, 2018, wala na sigurong dahilan na itago pa sa publiko ng actor-director-producer at dating COO ng Tourism Board ng Dept. of Tourism na si Cesar ang kanyang bagong karelasyon na nagngangalang Socorro ‘Kath’ Angeles.  Katunayan, kung nanaisin ni Buboy (palayaw ni Cesar) ay puwede na niya itong pakasalan lalupa’t meron na silang tatlong anak na ang bunsong babae ay kamakailan lamang bininyagan at nag-celebrate ng first birthday.

Pagdating naman sa ex-wife ni Buboy na si Sunshine ay hindi nito itinago since day one ang relasyon nila ng kanyang boyfriend of more than two years now na si Macky Mathay, half-brother ng singer-actress na si Ara Mina.

Naging viral ang baptism photo nina Cesar at Kath with their baby kasama ang mga tumayong godparents ng bata at isa na rito ang CHEd commissioner na si Dr. Ronald Adamat na siyang ng-post ng picture sa kanyang FB account.

Bukod sa tatlong anak ni Buboy kay Kath, may lumutang ding balita na nagkaroon din umano ng isang anak na lalake ang actor-director sa dating beauty queen (2009 Miss Earth Philippines), ang Fil-German na si Sandra Seifert na nasa Amerika ngayon.

Si Buboy ay may tatlong teen-age daughters sa kanyang ex-wife na si Sunshine na sina Angelia, Samatha at Francheska at dalawa naman sa kanyang yumaong unang misis na si Marilyn Polinga na sina Angela at ang namayapang si Angelo.