Carlo, may tampo kay Angelica

September 20, 2018
Carlo Aquino

Ayon kay Carlo Aquino, open naman daw siya sa possibility na magkabalikan sila ni Angelica Panganiban.

“Hindi naman ako nagsasarado ng pinto. Kahit ano. Lalo na pag feelings, mahirap pigilan ’yun, feelings,” sabi ni Carlo nang makausap ng entertainment press sa opening ng 41st Beautefy by Beautederm store sa Ali Mall last Sunday.

Aminado naman siyang kinikilig siya sa pagsasama nilang muli ni Angelica pero kung saan daw sila papunta ay hindi pa niya alam at hindi pa rin daw nila ito napag-uusapan.

“Siyempre, nakakatakot din ’yun, kasi pagka nasaktan mo na naman siya... ’di ba? ’Yung ganu’n, magkasakitan kami, masasayang ang friendship.

“Hindi lang naman kasi ’yung lovelife ko ’yung nakasalalay dito, pati ’yung friendship namin, pati ’yung friendship ng parents namin,” he said.

When asked kung ano ang comment niya sa kilig-kiligan din nina Angelica at Zanjoe Marudo, ani Carlo ay okay lang naman sa kanya dahil bagay din naman daw ang mga ito.

Napanood daw niya ang interview ni Angelica kay Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda kung saan ay sinabi ng aktres na mas husband material si Zanjoe kaysa sa kanya.

“Tampo ko do’n,” pag-amin ni Carlo.

Tinext daw niya si Angelica na “matampuhin pala ako, ha?” at natawa lang din naman ang aktres.

Samantala, isa sa brand ambassadors ng Beautederm si Carlo along with Matt Evans, Sylvia Sanchez, Alma Concepcion at mag-asawang Glydel Mercado and Tonton Gutierrez na present lahat sa opening ng bagong store.

Tagged Under