5,370 guests

Bumakas

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 530
Alessandra de Rossi  & Ivan Padilla Alessandra de Rossi & Ivan Padilla

BUMAKAS (sumosyo) si Alessandra de Rossi sa pelikulang 12 na brainchild niya bago pa man ipinalabas ang blockbuster movie nila ni Empoy Marquez na Kita Kita.

Paliwanag niya, gustung-gusto niya ang kuwento kaya naman nang bigyan ng go signal ni Boss Vic del Rosario ng Viva na gawin ito, lubusan ang pagkatuwa niya.

Natengga lang ang project nang wala siyang mapiling leading man pero nang lumitaw ang name ni Ivan Padilla, apo ng yumaong actor na si Amado Cortez, sumakto siya sa role ng lalaking gaganap na partner  niya.

Na-impress pa si Alex sa credentials ni Ivan na nakalabas na sa ilang foreign TV series gaya ng Dexter, CIS at iba pa, pati na ilang movies.

“Wala nga akong bayad dito. Ako naman tumatanggap pa rin ng pelikulang walang bayad basta gusto ko.

“After Kita Kita, wala namang nagbago sa buhay ko. Maaaring nagbago ang tingin ng tao sa paligid, pero ako, wala talaga akong pakialam, hahaha! Sabi ng iba, ‘Oy, dapat parang Kita ito, huh!’
    
“Unang-una, hindi sila magkapareho. Number two, hindi ito comedy. Number three, hindi ito para sa bata. So, hindi ito parang Kita Kita. So, unfair naman na i-pressure ko ang sarili ko na dapat same or siyempre...
    
“Nahihiya ako, to be honest, kay Boss Vic. Sobrang indie ito at baka iba ’yung ini-expect. ‘Hindi, Alex. Gusto ko siyang gawin kasi naniniwala ako sa kanya.’
    
“Ako, hindi ganoon mag-isip. Kumbaga sa paggawa ng baby, hindi naman magkamukha ang kasunod mong baby. Hindi sila puwedeng i-compare. Walang nagbago sa buhay ko. Choosy pa rin ako sa role gaya ng dati,” paliwanag ni Alex.
    
Mula sa direksyon ni Dondon Santos ang 12 at mapapanood muli ang husay ni Alex sa Nov. 8.

* * *

NEWS blackout pa rin hanggang kahapon ang ABS-CBN at Viva Artists Agency (VAA) kaya walang makakuha ng statement mula kay Nadine Lustre kaugnay ng diumano’y pagsu-suicide ng younger brother niyang si Isaiah kamakailan.
    
Ang VAA ang management team ni Nadine, pero bilang respeto sa umano’y kahilingan ng father ng young actress na manahimik, tikom din sila sa paglabas ng pahayag.
    
Ayon naman sa isang source sa ABS-CBN News,  suicide ang nangyari, kaya pigil sila sa pagkalkal ng mga detalye.
    
Pero dagdag ng source, may kumakalat umanong balita online na may naiwan na suicide notes ang teenager.
    
Dalawa raw ang notes na ’yon at sa isa ay may pahiwatig ang bagets sa balak niya.
    
May sensitive part nga lang daw sa note na ’yon na minabuti naming ’wag nang isulat pa.
    
Patuloy naming hinahanap ang sinasabing site as of this writing, pero hindi namin makita.
    
Maging sa Twitter, walang balita tungkol doon.
    
Ang isa pang nakakalungkot, turning 17 na pala bukas, Oct. 13, ang kapatid ni Nadine.
    
Whatever their reasons are for not giving any statement, irespeto na lang natin ang kahilingan nilang tumahimik si Nadine at ang pamilya niya.

* * *

TATANGGAP ng award si Mother Lily Monteverde ngayong araw na ito mula sa Tourism Board ng Quezon City government kaugnay ng pagiging businesswoman niya.
    
Bibigyan siya ng Manuel L. Quezon Award dahil isa siya sa mga negosyanteng kilala at prominente sa lungsod.
    
Sa QC nakatayo ang kanyang Imperial Palace Suites Hotel, ang kauna-unahang hotel na naitayo sa lungsod bago sumulpot ang iba.
    
Meron din siyang Valencia Events Place sa Valencia St. Of course, ang kanyang Regal Entertainment ay may office rin sa QC.
    
Ang paggawad ng special award na ito kay Mother Lily ay bahagi ng selebrasyon ng foundation day ng Quezon City.
    
No less than QC Mayor Herbert Bautista will present the award to the lady producer.
    
Congratulations, Mother Lily!