‘Bulaga’ hosts hindi napigilan ni Ompong

September 16, 2018

LIVE ang Eat Bulaga kahapon, Sabado, kahit na patuloy ang malakas na ulan at hanging dala ng bagyong Ompong! Espesyal ang handog nito kahapon dahil grand finals ng contest nilang Hype Kang Bata Ka!

Present sina Vic Sot-to, Joey de Leon, Allan K, Pauleen Luna-Sotto, Pia Guanio, Baby Baste at Luanne Dy sa Broadway Studio.

Sa joke segment nila, eh, nandoon sina Jimmy Santos, Anjo Yllana at ang pamilya Nunal nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Sa segment ni Boss Madame, siyempre, present si Ryzza Mae Dizon, Ken Doll, EB Baes at Alden Richards. Sa Juan For All, All For Juan, hindi namin nakita sina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros.

Naku, bumagyo man o hindi, tuloy pa rin ang pagpapasaya ng Bulaga sa manonood, huh!