Bryan, idinenay ang ex-GF

September 12, 2018
Bryan Revilla

Puro congratulations ang nababasa namin sa Instagram (IG) ni Bryan Revilla nang i-post ang poster ng Virgo  episode ng action anthology  na Tres. Mas dadami ang magko-congratulate kay Bryan kapag napanood kahit ang trailer muna at ang buong episode ng Imus Productions movie na showing sa October 3.

Poster pa lang ng Virgo, marami na ang humanga kay Bryan at may nag-comment na parang si The Rock o Dwayne Johnson ang dating niya.

Nagkataong isa si The Rock sa favorite actor ni Bryan at kabilang ang mga pelikula nito sa pinanood ni Bryan sa paghahanda sa role niya sa movie bilang si Virgil na isang PDEA agent.

Todo-todong barilan, bugbugan at pasabog ang Virgo sa direction ni Richard Somes, hindi magpa-pahuli sa kaastigan ng 72 Hours episode na bida si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla at ang Amats episode ni Luigi Revilla. Ang episode nina Jolo at Luigi ay sa direction ni Dondon Santos.

Ang cute pala ni Bryan sa pagde-deny na naging GF niya si Carla Humphries, ang leading lady niya sa Virgo. Friends lang daw sila, pero ang ganda ng ngiti at kumikislap ang mga mata.

Tagged Under