Boy, nilinaw ang matagal nang tsismis sa kanya

September 28, 2018
Boy Abunda

Sa tuwing sasapit ang eleksyon ay lagi na lang natsitsismis ang King of Talk na si Boy Abunda na tatakbo sa kanilang lugar sa Borongan, Samar.

Pero ayon sa host ng The Bottomline at Tonight With Boy Abunda, sa ngayon ay talagang wala sa plano niya ang pumasok sa pulitika.

“Wala, eh. It’s not in my belly. Sabi ko nga, hindi naman ako mahiyain. Ang tagal nang itsinitsismis sa amin (Borongan) that I was running for  governor, I was running for Congress.

“Hindi ko rin naman masisisi ang mga tao dahil ako lang sa aming pamilya ang hindi pumasok sa pulitika. Ang aking kapatid (Borongan mayor, Fe Abunda) yata is running for Congress ngayong eleksyon na ito. Nag-three terms na kasi siya bilang mayor. Ang nanay ko ay nasa pulitika, ang tatay ko ay pumasok sa pulitika.

“So, public expectations of my getting into politics is logical,” pahayag ni Kuya Boy nang makatsikahan namin last Wednesday night.

Pero talagang sa ngayon ay wala pa sa kanyang sistema ang pasukin ang pulitika.

“But an appointive position is something that’s possible in the next few years. After my contracts are done. Totoo ’yun,” he said.

Matatapos daw ang kanyang kontrata sa ABS-CBN at the end of 2020 and after that, siyempre, anything can happen. Pwedeng mag-renew siya at pwede ring hindi na.

“So, hindi ko pa alam. Pero hindi ako nagsasara. Pero ’yung pagtakbo sa isang eleksyon, parang hindi ko kaya,” he declared.

Ibinalita rin ni Kuya Boy that he will be hosting the much-anticipated ABS-CBN Ball happening tonight (Sept. 29). He will be wearing a Christian Dior suit na regalo ng kanyang partner na si Bong Quintana.

Tagged Under