Boy Abunda napipisil sa MiGuard

September 16, 2018

Inilunsad sa movie press at bloggers ang bagong kakampi ng bayan. Ito ay ang MiGuard Security Alarm System.

Ang King of Talk na si Boy Abunda ang napipisil nila na mag-endorse nito dahil naniniwala sila sa kredibilidad at magandang image ng tv host.

May nag-suggest din sa press na bagay rin daw ito kay Alden Richards bilang Victor Magtanggol.

Sa naturang launching ay namataan din ang dating That’s Entertainment member na si Raeyan Basa. Siya ang VP for Sales. Humarap din sina Manuel Siquian Jr., president at Axel Craig Frencillo, account manager.

Gaano ba kahalaga ngayon ang MiGuard?

Dahil sa kaliwa at kanang krimen sa bansa, marami ang nababahala para sa seguridad ng kanilang pamilya. Wala na kasing maituturing na ligtas na lugar sapagkat ilan sa mga krimen ay nangyayari mismo sa loob ng tahanan.

Batay sa istatistikang inilabas ng Philippine National Police (PNP) nasa kabuuang bilang na 1,040, 987 ang naitalang krimen mula noong taong 2016 hanggang 2018.

May bilang na 19,210 ang pinatay sa panahong ito samantalang mahigit sa 50,000 kaso naman ng pagnanakaw ang naitala.

Ayon naman sa Center for Women’s Resources, isang babae o bata ang kalunos-lunos na nagiging biktima ng panggagahasa kada oras sa ating bansa.

Upang makatulong sa pagsugpo sa laganap na krimen sa bansa, isang makabagong teknolohiya para sa seguridad at kaligtasan ang hatid ng Green Energy para sa sambayanang Pilipino, ang MiGuard Security Alarm System.

Kalakip sa MiGuard Security Alarm System Premium Package ang ilang aparato na idinisenyo upang mapigil ang iba’t ibang krimen na posibleng maganap sa kanino mang tahanan.

Kasama sa MiGuard Security Alarm System Premium Package ang mga sumusunod na aparato: Pan &Tilt HD IP Camera, Motion Detector, Door Sensor, SOS Button, Medical Button, Gas Detector, Water Leak Detector, Smoke Detector at Remote Controls.

“Misyon ng MiGuard na mabigyan ng proteksyon ang bawat Pilipino lalo na sa krimen. Nanindigan kami sa aming tagline na We Want You Safe,” pahayag ni MiGuard president Manuel Siquian Jr.

“Hindi lamang mga mahal ninyo sa bahay ang nais naming proteksyunan, bagkus maging ang mga inyong tahanan na inuuwian ay nais naming ingatan. Para maiiwas ito sa sunog gayundin sa problema sa baha na kinakaharap ng mga maraming nating kababayan sa tuwing panahon ng tag-ulan,” dagdag pa ni Mr. Syquian.

Bukod dito, kasama rin sa MiGuard Security Alarm System Premium Package ang Medical Button na ang pakay naman ay mabantayan ang kalagayan ng mga matatandang madalas naiiwan sa mga tahanan.

“Para sa anumang kaso ng emergency, particular sa Quezon City ay maroon na tayong 24/7 na command center na tutugon sa kanilang kailangan na tulong sapagkat tayo po ay mayroong ugnayan sa PNP, Bureau of Fire and Protection at mga pampublikong Ospital sa lungsod.

“Ang aming misyon ay makapagbigay ng kahalintulad na serbisyo sa buong bansa sa mga darating na panahon,” pagtatapos niya..

Para sa inyong katanungan at dagdag pang kaalaman ay maaari ninyong tawagan ang kanilang hotline number sa 717-9806 o bumisita lamang sa kanilang website sa www.miguard.net.