Bong nakagagawa ng pelikula kahit nakakulong

September 10, 2018

KAHIT apat na taon nang naka-detain ang actor-producer at dating senador na si Bong Revilla sa detention center ng Camp Crame, hindi nawawala rito ang kanyang passion sa paggawa ng pelikula na kanyang minana sa kanyang ama at dati ring senador na si Ramon Revilla, Sr.

Si Bong ang nakaisip ng pelikulang “Tres” kung saan tampok ang tatlo niyang anak na sina Bryan, Jolo at Luigi na produced ng Imus Productions na pag-aari ng Revilla family.

Samantala, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Bong na siya’y makakalaya isa sa mga araw na ito to be with his family lalung-lalo na sa kanyang ailing dad na si Ramon Revilla, Sr. na matagal na niyang hindi nakikita.

Sa ngayon ay ipinauubaya na muna ni Bong sa kanyang mga anak at mga kapatid ang pamamahala ng kanilang film outfit, ang Imus Productions lalupa’t naniniwala siya na unti-unti na ring bumabalik ang action genre dahil sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin sa telebisyon at ang “Buy Bust” ni Anne Curtis sa pelikula.

Bong is turning 52 on September 25.