Bistek, tatakbong congressman

October 15, 2018
Herbert Bautista

Habang nagde-deadline, lumabas ang balitang tatakbong congressman ng Quezon City si QC Mayor Herbert Bautista. Hindi pa lang makumpirma dahil hindi pa siya nagpa-file ng COC.

Sinubukan ding i-text si Herbert ng mga kaibigang reporter pero, hindi siya sumagot.

Ilan pang taga-showbiz na muling tatakbo sa 2019 elections ay sina Lito Lapid for senator uli at Gary Estrada na tatakbong Vice Mayor ng Cainta.

Si Sen. Grace Poe, sinamahan ng inang si Ms. Susan Roces nang mag-file ng COC kahapon.

* * *

This Tuesday na gaganapin ang annual World Pandesal Day sa Kamuning Bakery & Cafe. Ito’y kahit  nasunog ang bakery/cafe noong February 6.

To celebrate the event, mamimigay ng 70,00 pandesal bread at ibang foods ang owner nitong si Wilson Flores Lee.

Special guest si QC Vice Mayor Joy Belmonte kasama sina Sen. Rissa Hontiveros, PNP Gen. Eleazar, Sec. Bong Go at GMA President & CEO Atty. Felipe Gozon.

Sa October 28, 8 a.m., magkakaroon ng free medical, dental and optical mission sa Kamuning Bakery in cooperation with the Chinese General Hospital led by CEO Dr. James Dy.