6,018 guests

Bininyagan

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 576

Joey, lucky charm ni Mother Lily

BININYAGAN na si Baby Talitha Maria Sotto, anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna nu’ng Linggo. Naganap
ito sa simbahan kung saan ikinasal sina Bossing at Poleng.

Kabilang sa dumalo sina Helen Gamboa, Mabel Sotto, Bibeth Orteza,  Eat Bulaga VP for Creative
na si Jenni Ferre at Ruby Rodriguez na tumayong ninang ng bata. Present din ang magkapatid na Tito at
Val Sotto.

Matapos ang binyagan at lunch, knock out si Baby Tali na tulog nang kunan ni Poleng ng
picture. “She was such a good girl! I love you, anak! #TalithaMaria.”
    
Bago binyagan si Tali, nagninang muna si Poleng sa second baby ni Pia Guanio na si Brooklyn.

* * *

LUCKY charm para kay Mother Lily ang presence ni Joey Marquez sa Regal festival entry na Haunted
Forest. ’Yung huli kasing sinamahang movie ni Joey sa Regal ang Woke Up Like This ay blockbuster sa
takilya.
    
Ang Regal ang nagbigay ng big break kay Joey a.k.a. Tsong bilang komedyante. Lumabas na rin
siya sa isang drama with former partner Alma Moreno pero gusto pa rin siya ng tao bilang komedyante.
    
Sa HF, hindi naman all-out comedy ang role ni Joey. May pasundut-sundot lang siyang ginagawa
sa isang eksena. Makapigil-hininga rin kasi ang suspense ng Ian Loreños movie kaya without knowing it,
naging comic relief ang dating ng eksena ni Joey.
    
Bukod kay Joey, comeback film din ni Raymart Santiago ang HF at naka-blend siya sa millennial
stars na kasama niya gaya nina Jane Oineza, Maris Racal, Jameson Blake at Jon Lucas.

* * *

BUMILIB kay Darren Espanto ang isa sa composers ng kantang Dying Inside (To Hold You). Isa ito sa
theme songs ng festival entry nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay, ang All of You.
    
Umabot ng milyong views ang video  version ni Darren ng kanta. Gulat din siyampre ang nasabing
composer sa bagsik ng fans ng  young male singer. Wala siyang hinagap na suportado si Darren ng fans
hanggang sa ibang bansa.
    
May MTRCB rating na R-13 ang ang reunion movie nina Jen at Derek after ng English Only,
Please. Mas mapangahas kasi ang second film nila dahil sa mature theme nito.
    
Pero ito ang best movie so far na gawa ni Direk Dan Villegas with best performances from Jen
at Derek. Kaya naman ’yung fans ni Jen, kailangang panoorin ang movie mula sa simula ng sa ganoon ay
mas lalo nilang ma-appreciate ang bagong pasabog na ito ng Ultimate Star!