Binihisan

September 12, 2018
Paolo Ballesteros

Gown ni Paolo, irarampa sa Mutya ng Pilipinas pageant

PINASOK ni Paolo Ballesteros ang pagdi-design ng gown matapos ipakita ang talento sa make up transformation at painting.

Sa kanyang social media account,  pinasilip ni Pochoy ang kanyang gawang Filipiniana gown na suot ng   kaibi-gang kandidata sa Mutya ng Pilipinas, si Agatha Romero.

Sa pamamagitan ng messenger sa Facebook,  ng GMANetwork.com at ni Paolo, sinabi ng huli na beauty pageant enthusiast siya.

“When friends ask me for my help sa styling and pagbihis ng candidate, they’re very welcome kasi du’n ko nailalabas ang ideas ako na feeling ko pasok sa pageants.

“Agatha Romero, candidate 23, is a friend that I also help sa mga styling and everything, so I told her na ako na magdamit sa kanya for the terno ng Mutya ng Pilipinas,” pahayag ni Paolo.

Sa kanyang socmed account, ipinakita ni Paolo ang ginawang design para sa kaibigang si Agatha.

Sa IG naman ng kandidata, ipinagmalaki niya ang masterpiece ni Paolo.

“Thank you for trusting me to wear your first (known) creation, Kuya Paolo! I am so proud to see you finally rocking the fashion industry. You are a great artist, indeed!” caption ni Agatha.

Tagged Under