6,210

Billy at Coleen sa Biyernes na ang kasal

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 803

ANG co-host ni Billy Crawford na si Toni Gonzaga sa Pinoy Got Talent (PGT) ang nag-reveal on TV last Sunday evening sa kanilang programa na sa darating na Biyernes (April 20) na ang kasal ni Billy at ng kanyang fiancee na si Coleen Garcia.  Although hindi sinabi ni Toni ang lugar, gaganapin ito sa Balesin Island in Quezon Province kung saan din ikinasal ang mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista nung Feb. 15, 2015.

Earlier ay sinabi ni Billy na hindi makadadalo ang kanyang parents na nasa Texas, USA dahil pareho umano itong may sakit pero nasa bansa na ang mga ito para dumalo sa  exclusive beach wedding nina Billy at Coleen.

RACHELLE ANN AT BF IKINASAL NA

SPEAKING of beach wedding, may balitang ikinasal na umano  sa Boracay last Sunday, April 15 ang engaged couple na sina Rachelle Ann Go at ang kanyang American fiancé na si Martin Spies.  Sa Boracay din nag-propose in early September 2017 si Martin kay Rachelle Ann after she turned 31 on August 31.
    
Nagpaalam si Martin sa parents ni Rachelle Ann sa plano niyang pagpu-propose at nagpatulong siya sa mga kaibigan ng singer-actress sa ring na gusto nito. 

Nung sila’y nasa Boracay na, Martin requested his fiancée na magbihis at i-curl ang kanyang buhok dahil mero umano silang pupuntahang romantic place not knowing na magpu-propose na siya.  Pagdating nila sa may dalampasigan ay saka lumuhod at nag-propose si Martin kay Rachelle Ann na ikinabigla ng dalaga but she said `Yes’.
 
Sina Rachelle Ann at Martin ay nagkakilala sa pamamagitan ng isang common friend sa isang church in New York, USA kung saan naka-base ang American executive na si Martin at nagpi-perform naman sa Broadway si Rachelle Ann para sa re-run sa Broadway ng “Miss Saigon” where she played the role of Gigi van Tranh.
    
Last Saturday, April 14 ay binigyan ng bachelorette party si Rachelle Ann ng kanyang mga kaibigan na ginanap sa Kallista Nail Pamper Lounge in Pasay City na magkatulong na in-organized ng kanyang New York-based friend na si Natanya van Heereen at si Cynthia Roque ng Cornerstone Talent Management.
 
Ang mga close friend ni Rachelle Ann tulad nina Sarah Geronimo, Mark Bautista at iba pa ay lumipad din pa-Boracay para dumalo sa pinakamahalagang okasyon sa buhay ng actress=singer na si Rachelle Ann Go.

LUIS MALAPIT NANG MAG-PROPOSE

SA darating na April 21 pa ang ika-36th birthday ng TV host-actor na si Luis Manzano pero last Sunday, April 15 ay binigyan siya ng special birthday celebration ng kanyang “ASAP” family.  Sinorpresa rin si Luis ng VTR birthday greetings from his younger brother na si Ryan Christian at sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola habang nagbigay naman ng phone-patch message ang kanyang ina, ang Star for All Seasons at representative ng ika-6th district ng Batangas na si Vilma Santos.
    
Marami ang naniniwala (including this writer) na malapit nang mag-propose si Luis sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola who is only 25 years old tulad ng malapit nang maging misis ng kaibigan ni Luis na si Billy Crawford na si Coleen Garcia.

Luis is not only a successful TV host  and celebrity endorser kundi isa rin siyang matagumpay na negosyante, enough for him to start his own family.

ANAK NINA POKWANG AT LEE BININYAGAN

ISA nang ganap na Kristiyano ang first baby ng live-in partners na sina Pokwang (Marietta Subong) at ang  American actor na si Lee O’Brian na si Malia Francine Subong O’Brian na bininyagan nung nakaraang Linggo ng umaga, April 15 sa Our Lady of Peace and Good Voyage Shrine in Antipolo City.
    
Ilan sa mga tumayong godparents ni Malia ay executives at directors ng ABS-CBN, comedians at ilang malalapit na kaibigan ni Pokwang tulad nina Roldeo Endrinal ng Dreamscape Entertainment, Leo Katigbak, Roxy Liquigan, Eric John Salut, Directors Ruel Bayani, Erick Salud and Don Cuarema,
mga komedyanteng sina K Brosas, Chocoleit, Pooh at Eugene Domingo.
 
Tuwang-tuwa siyempre si Mae dahil may baby sister na siya na isang tisay.
    
Si Malia Francine ay isinilang last January 18, 2018.

PINOY SUPERMARKET SA US MAGSASARA NA

ISANG very reliable source ang nagpaabot sa amin ng balita na magsasara na umano ang sampung branches in California, USA  ang Island Pacific Supermarket na pag-aari ng mister ng actress na si Krista Ranillo na si Nino Jefferson Lim.
    
Sinabi ng aming source na naka-closing out sale na umano ang mga branches ng supermarket na matatagpuan sa Seattle, Washington; Los Angeles, Orange County, San Diego, San Francisco, Vermont, Rancho Cucamonga at iba pang lugar kaya dagsa umano ang ating mga kababayan sa pinakamalapit na branch ng supermarket sa kanila dahil sa murang bilihin ng mga Filipino sea foods and items.
    
Nakakalungkot ang balita kung ito’y totoo.
    
Sina Krista at Nino ay ikinasal nung 2010 at meron na silang tatlong supling, sina Nolan Jayden, Natalie Lourdes at Nate Jacob Lim.

MAYMAY MAY DAPAT BAGUHIN

DAPAT siguro iwasan na ni Maymay Entrata ang pagmi-make face o pagkukusot ng kanyang mukha dahil dalaga na siya  at hindi na siya cute tingnan.  She’s turning 21 on May 6.
    
Magmula nang siya ang tanghaling Big Winner sa 2016 Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 at kung saan isa sa mga finalists ang kanyang best friend at ka-loveteam na si Edward Barber ay malayo na ang narating ng tubong Cagayan de Oro.
 
Samantala, inamin ni Maymay na mag-bestfriends umano ang turingan nila ng kanyang ka-loveteam na si Edward at nagtutulungan umano sila na mapangalagaan ang kanilang tambalan dahil na rin sa kanilang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanilang team-up.