6,333

Billy at Coleen, nagbabawas ng iimbitahan sa kasal

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 747
Billy & Coleen Billy & Coleen

Hands-on sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa preparations ng kanilang kasal this year. At ayon nga sa TV host/singer/dancer, nag-i-enjoy daw naman sila.

“Medyo mahirap pag-sabayin sa trabaho, tapos mga preparation, etcetera, pero enjoy naman. We’re really... I’m looking forward to it, sobrang happy, sob-rang excited ako. Sobra-sobra!” pahayag ni Billy in his latest interview.

Hindi naman daw sila nangangarag or nai-stress dahil maaga raw silang nag-start ng preparations.

“One year naman ang preparations namin, so maaga na kami nag-start. Ang mas nakaka-stress, ’yung guest list, eh. Una sa lahat, dahil pareho kaming personalities, ayaw naming makasakit din ng ibang katrabaho or whatever, pero ako rin naman, ’yung pamilya ko, medyo malayo, nasa ibang bansa, so we really have to stress about the tables, about kung ilan, kung ganito, ganyan.

“Kasi, hindi rin naman siya ganu’n ka-mura, ang magpakasal, so we have to make it intimate and for people na talagang sumuporta from day 1 sa relationship namin,” saad pa ni Billy.

Wala pang nire-reveal na exact date ang soon-to-get-married couple pero in one interview ay sinabi ni Coleen na baka summer of this year daw magaganap ang wedding.

Tapos na rin ang kanilang pre-nuptial shoot sa Ethiopia at pati ang bahay na titirhan nila ay ready na.
    
Kailan lang ay nag-post si Coleen ng larawan ng kanilang titirhang bahay after the wedding.
    
“Visited the #crawfordcrib, which is still a work in progress. First thing we did together this year. Starting 2018 with hearts full of gratitude, hope, and faith! Excited for where God will take us this year,” caption ni Coleen sa larawan.