6,378

Biglaan!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 583

Pagkamatay ng ama, may kinalaman sa pagba-back-out ni Echo sa ‘All of You’

Finally, nagsalita na rin si Jericho Rosales hinggil sa pagba-back-out niya sa All of You na dapat
sana’y pagtatambalan nila ulit ni Jennylyn Mercado sa Quantum Films at official entry din sa 2017
Metro Manila Flm Festival.

Paglilinaw ni Echo, hindi niya pinili ang Siargao over All of You.
    
“I-clarify ko lang ulit, hindi ako namili sa dalawa. I respectfully, politely declined with a
proper message to the production, and to Jennylyn, Direk Dan and Atty. (Joji Alonso, one of the
producers). I personally apologized. I’m not fit to work on the story, on the project and I hope that
I can get to work with them again next time,” pahayag ni Echo.
    
Aminado siyang nag-commit siya to work with them, pero nagkataon naman na that time, hindi raw
siya fit to work.
    
“I wasn’t fit to work on that film nu’ng time na ’yun. Napakalalim po, napakabigat ng dinadala
ko nu’ng time na ’yun and I needed to digest the entire… kumbaga, ’yung pangyayari sa buhay ko,” sey
ng aktor.
    
Paglilinaw pa niya, when the offer for Siargao came, at first, hindi raw plano na isali ito sa
MMFF.
    
Naging biglaan ang lahat.
    
“Nagkataon lang na si Paul (Soriano, the director of Siargao), nagkaroon ng opening, nagkaroon
ng chance, we finished filming and he said ‘why not?’ Nilagay niya and then a couple of weeks later,
nakuha na namin ’yung news na, ‘hey, part tayo ng MMFF.’ So, I’m really, really happy, but siyempre,
ako, I had to make sure that everything’s okay,” saad pa ng aktor.
    
Hindi man sabihin, obvious na ang tinutukoy ni Echo na mabigat na pinagdaanan that time ay ang
pagkamatay ng kanyang ama.
    
Up to now, ayon sa aktor, everyday ay nami-miss pa rin niya ito at parating naiisip.