5,963

Big reveal

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 546

Fans, abangers sa paggawa ng album ni Maine

Jerald, hinaras-harass si Valeen!

HUMIRIT pa ng guesting kay Maine Mendoza ang bosses ng Daig Kayo Ng Lola Ko dahil ’yung unang episode niyang ginawa bilang Laura Patola ay isa sa highest-rating episodes ng GMA Sunday program, huh!

This time, multiple guestings ang tinanguan ng management team niya na tatagal hanggang apat na episodes.

Last Tuesday ay nag-taping na si Meng ng bagong episode pero ang character niya bilang Laura Patola pa rin ang gagampanan niya.

Samantala, puwede nang magpa-reserve sa ilalabas na single ni Alden Richards, ang I Will Be Here, mula sa GMA Records.

Sa July 1 pa ito iri-release pero bilang pagbibigay sa hiling ng fans ng Pambansang Bae, pinaaga nito ang reservations para agad silang maka-download ng kopya.

Ay, abangers pala ang fans ni Meng dahil may big reveal bukas, Friday, ang Universal Records kaugnay ng kumalat na balitang gagawa siya ng album sa kumpanya.

* * *

HOPYA si Jerald Napoles na tatanggapin ang pagiging romantic-comedy leading man niya sa pelikulang The Write Moment na pinagtatambalan nila ng kaibigang si Valeen Montenegro.

“Gusto ko siyang i-showing nationwide dahil may commercial appeal. Pero nakaka-pressure rin. Kasi tadtad... ’yung mga pelikulang rom-com na dalawa lang ang (bida). May following ang genre na ’yon, eh,” pahayag ni Jerald sa pocket presscon ng movie.

Kabado siya dahil baka maikumpara ang movie niya sa Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

“Pero okay lang. Hoping din naman ako sana dahil maganda naman ang reception. Ang Viva rin ang nag-decide na mag-mainstream ito dahil sila ang nagdi-distribute,” rason niya.

Nakatulong ang magandang rapport nila ni Valeen kaya kahit sa love scenes, eh, wala nang ilangan sa kanila.

“Sobrang magkaibigan kami ni Valeen. ’Yung level na puwede kaming mag-ututan sa harap ng isa’t isa!” saad niya.

Hinaras-harass niya si Valeen sa pelikula.

“Sa love scene ’yon. Sa akin, may pressure ang love scenes. Kasi ’pag pogi ang gagawa, mag-out of boundary man siya, makakalusot.

“’Pag plain-looking ang gagawa, puwedeng kasuhan! Hahaha! Puwedeng sabihing, ‘manyak ’to, huh!’ porke may kissing scene, sinagad. Pero ’pag guwapo, sige! Hahaha!

“Pero nabitin din. Hindi na rin sinagad! Nakakadiri rin naman, hahaha!” chika pa ni Jerald.

Sa June 27 ang showing ng The Write Moment mula sa direksyon ni Doms Lim.