Belladonnas front girl Quinn Carillo to star in ‘Step Up’ Pinoy version film

November 04, 2018
Quinn Carillo

BINIGYAN na ng green light ng 3:16 Films, headed by Len Carillo, ang production team na gagawa ng isang ins-piring dance-romance movie na mala-Step Up ang dating.

Napili ni Len ang team nina Direk Carlo Obispo para mamahala ng pelikula na pagbibidahan ng Belladonnas front girl na si Quinn Carillo at ng ilang miyembro ng Clique  V, plus other girls also from Belladonnas.

Unang sumabak sa pagdidirek ng full length film si Carlo sa 2013 Cine-malaya entry na Purok 7 na isang drama-comedy (dramedy). Bida ng pelikula sina Julian Trono, Angeli Bayani, Arnold Reyes, Krystel Valentino, Jean Judith at marami pang iba.

During the 12th Cinema-laya Independent Film Festival, naging opening film ang latest master piece niyang 1-2-3 na pinagbibi-dahan naman nina Carlos Dala, Barbara Miguel and Therese Malvar.

No less than, the Cinemalaya chairman na si Direk Laurice Guillen ang pumili sa kanyang pelikulang 1-2-3 para maging opening film ng festival.

Ang 1-2-3 is a story of a teenage boy’s search for his sister locked up in a brothel.  Humakot na rin ng iba’t ibang parangal ang pelikula mula sa mga prestehiyosong international film festivals ang 1-2-3.

Born and raised in Camiling, Tarlac, Direk Carlo studied Philosophy (minor in Commu nication Arts) at Saint Louis University.  Siya rin ang sumulat ng istorya ng Purok 7 at  1-2-3.

Meanwhile, abala ngayon ang team ni Direk Carlo sa pre-prod ng bagong pelikula.The latest we heard, sa Subic nila balak i-shoot ang pelikula.

Lumutang din ang pa-ngalan ng isang Kapuso hunk actor na magiging leading man ni Quinn, pero wala pang masyadong confirmation tungkol dito. Puwede rin kasing  isang Kapamilya, not specifically from Hashtags na maga-galing ding sumayaw, ang ipapartner kay Quinn.

Let’s just wait na lang for the announcement.

As per Quinn, she is ready and very eager to face the challege being a dancer and at the same time an actress in Direk Carlo’s new film. Aniya, handa niyang ibigay ang lahat at i-absorb ang lahat ng ituturo sa kanya ng critically-acclaimed director.

Well, goodluck Quinn and Direk Carlo.