Bela, napagkamalang babae ni Cesar sa video

November 04, 2018
Bela Padilla

Nakakaloka, pati si Bela Padilla, napagkamalan ’yung babae sa video greetings ni Cesar Montano dahil lang may post si Bela na photo niya na nakatalikod habang nagbabakasyon sa Maldives.

Sa comment na “kahawig to sa babae sa video greetings ni @cesar_montano,” ang sagot ni Bela, “Hindi po ako yun.”

May nag-akala namang magkasama sina Bela at Erik Santos sa Maldives, sumagot din si Bela na nasa ibang island siya. Single kasi si Bela, kaya naiisyu sa mga lalaki. Pero bakit hindi sila nali-link ni JC Santos na lagi niyang partner sa movie.

* * *

Idinaan na lang ni Cesar Montano sa biro ang nag-viral niyang video greetings, wala rin naman siyang magagawa ’pag nagalit siya dahil lalo siyang aasarin. Saka sa rami nang gumagawa ng parody ng video greetings, maraming makakaaway ang aktor.

Sinakyan na lang ni Cesar ang nagkalat na parody sa kanyang video greetings at maganda ang ginawa nitong, ginaya nito ang sarili sa birthday video greetings para kay Arnold Clavio.

Almost the same greetings ang ginawa ni Cesar, naka-black T-shirt din siya, pero nakaupo at hindi nakatayo. Sabi rin nito, “Sorry, walang background ha!,” saka, tumawa. Pati ang mga nag-comment, natawa rin sa ginawa ni Cesar.