Beauty, tahimik sa ‘pangangapit-bahay’

October 04, 2018
Beauty Gonzalez

Sa presscon ng bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment na Kadenang Ginto ay inanunsyo na mananatiling Kapamilya si Beauty Gonzalez.

Matatandaang a few months ago ay napabalitang lilipat si Beauty sa Kapuso Network at diumano’y nakipag-meeting na sa executives ng istasyon.

Nang tanungin ng entertainment press si Beauty kung ano ang nangyari sa supposed transfer, ang nakangiti lang na sagot ng aktres ay, “I was just being a good neighbor, that’s all, thank you.”

Hindi na nagdetalye pa si Beauty at ang importante ngayon ay Kapamilya pa rin siya’t may kontrata sa ABS-CBN.

“Binigyan na ako ng contract ng ABS-CBN and I’m so happy, it’s my first contract and I don’t mind it and hindi naman ako na-shock or whatever kasi kung binigay nila ’yung contract sa akin dati, siguro hindi ko naalagaan nang mabuti. Kasi siyempre, bagets lang ako and hindi ko pa naman sineseryoso itong mundo na ’to.

“And now na tumanda na ako and mas na-appreciate ko ’yung work ko. Thank you. It came at a right time,” saad pa ni Beauty.

Sa Kadenang Ginto, na magsisimula sa Lunes, Oct. 8, sa Kapamilya Gold, kasama ni Beauty sina Albert Martinez, Adrian Alandy, Andrea Brillantes, Francine Diaz at Dimples Romana.

Mula ito sa direksyon ni Jerry Sineneng.