‘Beauty and the best,’ pararangalan sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) 2018 ngayong gabi

October 27, 2018

MAGAGANAP muli ang pasasama-sama ng magaganda at magagaling na tao sa mundo sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) 2018 dito sa Pilipinas.

Pararangalan  ng WCEJA-Philippines  ang mga personalidad at mga taong nasa hanay ng  iba’t ibang larangan o industriya kasabay ng  saya at sayawan at makahulugang pagkakakawang-gawa.

Mangyayari  ang okasyong ito thru the goodness and kidness of Emma “Emcor” Cordero-Toba na siyang founding chairman ng WCEJA at Voice of an Angel Foundation.

Patuloy na isinusulong  ni Emcor ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng kanyang  plataporma  bilang  singer, beauty titlist and multi-awarded philanthropist. Layunin niyang maipaabot ng lubusan  at makamit ang mataas na kalahagayan ng karunungan ng mga batang mahihirap o kapuspalad sa kanyang bayan sa Visaya at  sa buong  Pilipinas.  

Pahayag ni Emcor patungkol sa WCEJA, “Kinikilala namin ang mga outstanding professionals who have been remarkable in the exercise of their profession o mga alagad ng sining na nagpakita  ng kanilang natatanging talento para iangat ang antas ang kanilang karera at imahe sa klase ng industriyang kanilang kinalalagyan.”

Mas magiging exciting at entertaining ang nalalapit na gabi ng parangal dahil hindi lang si Emcor ang magbibigay ng entertainment number  kundi maging ang  KAPPT president na si Ms. Imelda Papin at malalaking pangalan sa larangan ng musika.

Posibleng maging makislap at malaki ang  WCEJA 2018 dahil ito’y daluhan ng  300 guests kasama na ang mga awardee na kinabibilangan nina Ka Freddie Aguilar, Imelda Papin, together with her sister, international producer and performer Ms. Aileen Papin and multi-awarded Filipino composer Vehnee Saturno.

Nasa okasyon din ang mga world-class beauties mula sa ibang bansa na sina  Madeleine Wallgren Vickery, recently crowned as Mrs. Top of the World 2018 and Iana Lutska, hailed as Mrs. Ukraine International 2018. Actor mula Japan na si Takashi Murauchi at pilantropong si Takao Shimada.

Sa nasabi ring okasyon ay kikilalanin ang 2017’s King Voice of an Angel (VOAA) Universe na si Mr. Florie Boy Macawile na itinuturing ding outstanding public servant and philanthropist.

Gaganapin ang WCEJA 2018 Philippine awards sa The Heritage Hotel ngayong Linggo, October 28, na susundan naman ng  5th WCEJA Japan Awards Night sa November 18, Sunday, 7 p.m. sa Hakata New Otani Hotel sa  Fukuoka, Japan kung saan nakatira, nagpapatakbo ng negosyo at sikat ang pangalang Emma Cordero.