Beach wedding

October 09, 2018
Lotlot de Leon

Sa December 17 na ang beach wedding nina Lotlot de Leon at ng Lebanese fiance niyang si Fadi El Soury. Binanggit ni Lotlot ang venue ng wedding, pero hayaan nating siya na ang mag-announce.

Family event ang mangyayari dahil dadalo ang sisters niya from her father’s side at darating din ang pamilya ni Fadi. Hindi pa lang sure si Lotlot kung makakarating ang ama niya.

Ang kapatid na si Matet at mga anak na sina Janine, Jessica at Maxine ang maid of honor niya at ang anak na si Diego ang maghahatid sa kanya sa altar. Walang problema sa mga anak ang muling pag-aasawa ni Lotlot dahil tanggap nila ang magiging stepdad nila.

Iimbitahan at padadalhan ni Lotlot ng invitation ang inang si Nora Aunor at sana nga dumalo si Guy para magsilbi na ring reunion nila ang kasal ni Lotlot.

Anyway, sabay nang paghahanda sa kanyang kasal, nagti-taping si Lotlot ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Asawa Ko, Karibal Ko as Lupita, ina ni Rachel (Kris Bernal).

Gaya sa ibang cast, umaasa si Lotlot na susuportahan ng viewers ang bagong soap sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz at magpa-pilot sa October 22 after Eat Bulaga. Airing ito Monday to Saturday.

Biniro si Lotlot dahil kasama niya sa Asawa Ko, Karibal Ko si Rayver Cruz na BF ng anak niyang si Janine Gutierrez. Pero sabi ng aktres, ’pag nasa set sila, co-actors ang trato nila sa isa’t isa.