5,789

Bea, ’di bitbit si Gerald sa preem ng ‘Kasal’

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 382

BIGO ang mga nag-akalang darating si Bea Alonzo kasama si Gerald Anderson sa premiere ng kanyang movie na Kasal last Tuesday sa SM Megamall.

As she said nga naman kasi in an interview, in good terms naman sila ni Gerald bagama’t balita ngang break na sila.

That night, Bea arrived with her road manager. Ang ganda-ganda niya sa kanyang gown.

Ganunpaman, dumating din sa premiere night si Ian Veneracion, leading man ni Bea sa katatapos na series na A Love To Last.

Naroon din si Maja Salvador, ex ni Gerald, na nanatiling friend ni Bea.

Maja will reportedly star in a series soon with Zanjoe Marudo, ex naman ni Bea.

Namataan din namin sa event si Cacai Bautista, ganundin ang bagong magka-loveteam na sina Barbie Imperial at JM de Guzman.

It was obvious that they were at the premiere to lend support kay Direk Ruel Bayani, Kasal director, who happens to be the business unit head of JM and Barbie’s first series together, Precious Hearts Romances Present: Araw Gabi.

Of course, Bea’s two leading men in Kasal, Derek Ramsay and Paulo Avelino, were present. Ditto with other members of the cast, namely Cris Villonco, Cherie Gil and Ricky Davao.

While Derek has yet to have an idea about what his next project would be, Bea shall resume shooting for her movie with Charo Santos Concio, Eerie, under Direk Lav Diaz.

The actress also has an upcoming movie with Aga Muhlach.

* * *

KasalukuyanG ginagawa ni Paulo ang series na Asintado with Julia Montes, Shaina Magdayao, Aljur Abrenica, Lorna Tolentino, Agot
Isidro and Noni Buencamino. Sa September pa raw nakatakdang i-release ang pelikula niyang Heneral Goyong, na tungkol
sa hero ng Tirad Pass na si Gregorio del Pilar.

* * *

More on Paulo: Bagama’t ’di niya ipinagkakailang may girlfriend siya ngayon, it will take some more time raw bago siya magpakasal.

We all know that Paulo has a seven-year-old son, Aki, with Kapuso actress LJ Reyes.

Like Paulo, LJ has a new lover, former Kapamilya Paolo Contis.