Bea, ayaw ilantad ang non-showbiz BF

September 13, 2018
Bea Binene

Nakakangiti pa rin si Bea Binene sa rami ng bashers at binasa pa nga sa amin ang isa sa bashings na natanggap dahil lang sa maling akala na siya ang lihim na GF ni Alden Richards.

Galing daw kay Alden ang flowers na natatanggap ni Bea every ninth of the month na monthsary nila ng non-showbiz boyfriend.

Bina-block at dini-delete ni Bea ang ibang pamba-bash na kanyang natatanggap para hindi na niya mabasa.

Ayaw maniwala ng ibang fans na friends lang sila ni Alden, kaya ’pag free sila, nagdi-dinner sila kasama sina Rodjun Cruz at Kristoffer Martin na kasama sa kanilang circle of friends.

Ayaw pa kasing ipakita ni Bea ang mukha ng BF, kaya patuloy ang pamba-bash sa kanya at wala siyang balak na ipakita ang face ng boyfriend.

Kaya, hindi makikitang bibisita sa taping ni Bea ng morning series na Kapag Nahati ang Puso ang BF, kahit sa Pampanga ang taping at malayo sa fans at press.

May right time raw para makilala ang nagpapasaya at inspirasyon niya ngayon.

Tagged Under