6,810

Bayolenteng reaksyon ng KimXi at JaDine fans, inunahan ni Xian

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 366

Dahil nga inanunsyo na magkakasama sa isang pelikula sina Nadine Lustre and Xian Lim bilang magkapareha, nagpauna na ng pasintabi ang aktor sa fans.

Nag-tweet ang aktor na sana ay positive vibes lang at huwag nang mag-bash.

“Hey guys! It’s always a great opportunity and experience to work with other people. In the end, we just want to be able to give you guys a great film/project you all can enjoy. Positive vibes lang.

“No need to bash guys! Happy vibes lang. Sa pelikula na tayo humugot! As actors, we’re vessels to the characters we portray. Hawak kamay lang lahat and let the writers and director do their magic,” ang tweet ni Xian.

Ipinahayag din ng aktor na mahal niya ang kanyang craft kaya naman pinagbubuti niya ang kanyang trabaho.

“There are 2 reasons why I love working hard. First is the love for the craft, to continuously do everything I can to improve. Second is my love for all the people around me. This goes for all the support group. As artists, we value and appreciate everyone’s effort to defend and fight for us.

“At the end of the day, after all has been said and done, we want to give you all the best/wonderful movie experience,” tweet pa ni Xian.

Obviously, ang mensaheng ito ng aktor ay para sa KimXi fans nila ni Kim Chiu at JaDine fans nina James Reid at Nadine na maaaring mag-react violently sa pagpapareha nila ng huli.

* * *

Umani ng katakut-takot na pagbati at paghanga ang tinanggap ni Valerie Concepcion sa kanyang Facebook post kung saan ay makikitang naka-graduate na siya sa kolehiyo.

Ipinost ni Valerie ang larawan niya na nakatoga at sa caption, mababasang nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Pyschology sa Arellano University.

“Finally. Bachelor of Arts in Psychology Batch 2018 Arellano University.

“P.S.: I want to thank my loved ones who supported me and pushed/inspired me to finish my studies. I also want to thank my professors, classmates and the eteeap program of #ArellanoUniversity for helping me make my dream of finishing college come true. I am so so so happy to finally have a degree. ALL GLORY TO GOD!” ang caption ni Valerie.

Bihira nga ang nakakaalam na nag-aaral si Val nitong mga nakaraang taon na hindi siya gaanong aktibo sa showbiz.

Bumilib naman kami nang husto sa kanya na talagang pinilit niyang makatapos kahit na nga ba busy siya as a mother and as an actress.

Matatandaang hindi natapos ni Val ang pag-aaral niya dahil nabuntis siya at a very young age at maagang nagkaroon ng responsibilidad.

Sa ngayon, 13 years old na ang anak niyang si Heather Fiona at para nga lang silang magkapatid.