8,874 guests

Baron, muntik nang magpakamatay

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 761
Baron Geisler Baron Geisler

AYON sa 35-year-old controversial actor na si Baron Geisler, marami siyang natutunan sa kanyang first ever musical play na pinamagatang “Aurelio Sedisyoso” na ginanap sa Bulwagang Aurelio Tolentino ng Tanghalang Pilipino or Cultural Center of the Philippines (CCP) noong nakaraang buwan. Discipline and commitment ang unang hinihingi sa isang theater actor.

Hindi ikinaila ni Baron na nag-audition umano siya for the role at aminado siya na reluctant din ang producer at director ng musical play na tanggapin siya dahil sa kanyang masamang imahe sa publiko.

“Kinausap po ako ng masinsinan ni Direk Chris Millado  kung seryoso raw ako sa gagawin ko dahil bukod sa  mababang talent fee, mas malaking oras ang gugugulin dahil sa rehearsals at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang disiplina, professionalism at commitment ko na ipinangako at tinupad ko naman,” pahayag ni Baron nang ito’y aming maging in-studio guest sa aming “Inside Showbiz” program on 8 Tri Media sa DZRJ last Sunday.

Hindi ikinakaila ni Baron na marami umano siyang realization nang sumakabilang-buhay ang kanyang mahal na ina nung nakaraang January 22, 2017, the only person na nakakaunawa sa kanya.

“Dumating pa po ako sa punto na gusto ko nang wakasan ang buhay ko dahil ang pakiramdam ko, galit sa akin ang buong mundo,” pagtatapat pa niya.

Si Baron ay bunso sa limang magkakapatid na may kani-kanya nang buhay at pamilya kaya mag-isa siya ngayon sa nirerentahang bahay sa Angeles, Pampanga.
    
Ayon sa actor, natuto umano siyang uminom out of depression nang yumao ang kanyang ama, ang German-American army colonel na si Donald David Geisler in 2002.  Nadagdagan pa ang kanyang depresyon nang magkahiwalay sila ng isa sa kanyang naging kasintahan noon na taga-showbiz din kaya nagtuluy-tuloy ang kanyang pag-inom at naging dependent na siya rito.
    
Ilang beses na ring nagpa-detox si Baron pero bumabalik pa rin siya sa dati at dumating pa sa point na marami na siyang nagagawa na lalong nakakasama sakanyang imahe.  Nariyan ang iba’t ibang sexual harrassment, pakikipag-away at ang pinakamatindi pa sa lahat ay ang ginawa niyang pag-ihi sa mukha sa kapwa niya actor na si Ping Medina during their take sa kanilang ginagawa noong indie movie na “Bubog” na dinirek ni Arlyn de la Cruz na siyang naging dahilan ng pagkaka-ban sa kanya ng Professional Artists Management, Inc. (PAMI), samahan ng mga talent managers ng Pilipinas kung saan bawal ang kanilang mga hawak na talents na makatrabaho si Baron.
    
It hits him hard dahil kabuhayan na niya ang naapektuhan. Binitiwan din siya ng kanyang manager na si Arnold Vegafria last December.
    
“Pakiramdam ko ay wala nang silbi ang buhay ko.  Galit sa akin ang buong mundo kaya pumasok sa isip ko ang pagsu-suicide after I lost my mother,” kumpisal pa niya.
    
“Siya (his mother) na lamang ang natitirang nagmamahal at nakakaunawa sa akin, kinuha pa sa akin,” nangingilid ang luha na tinuran ni Baron.
    
Just when he was about to end his life, na-realize niya na malaki ang kanyang pagkukulang unang-unang sa Diyos, sa kanyang pamilya at sa kanyang sarili at sa mga taong nasaktan niya.
    
“Sa kanilang lahat, humihingi po ako ng tawad at sana’y bigyan po ninyo ako ng pagkakataon na ipakita sa inyo na nagbago na po ako,” aniya.
    
“Gusto ko pong magtrabaho at bumawi sa mga kasalanan at pagkukulang ko,” dugtong pa ng actor who is also a good painter and poet.

PIA, BALIK KAPAMILYA

BALIK-Kapamilya ang 2015 Miss Universe-turned-actress and celebrity endorser na si Pia Wurtzbach matapos itong lumagda ng two-year-exclusive contract with ABS-CBN a couple of days ago.
    
Pia was welcomed last Sunday sa “ASAP” at maging sa “It’s Showtime” kung saan ay magiging karagdagan siya sa mga hosts.
    
On leave ngayon sa “It’s Showtime” si Anne Curtis dahil sa nalalapit nitong pakikipag-isang dibdib sa kanyang fiance na si Erwan Heussaff.  Next year naman ay nakatakda ring ikasal ang isa rin sa mga hosts ng noontime show na si Billy Crawford sa actress na si Coleen Garcia na dati ring host ng “It’s Showtime” bago ito nag-focus sa kanyang pagiging fulltime actress.

JOHN LLOYD, MATINDI ANG TAMA

MATINDI talaga ang tama sa Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz ng kanyang rumored sweetheart ngayon na si Ellen Adarna dahil kahit ano pa ang sabihin sa kanya ng ibang tao ay wala talaga siyang pakialam. After all, buhay naman niya ito.
    
Nang dahil sa relasyon ngayon ni John Lloyd  kay Ellen ay  tila kaya niyang isakripisyo ang kanyang pinaghirapang career over his love for the Kapamilya sexy star.
    
Sa ngayon ay nasa Casablanca, Morocco ang lovebirds enjoying their vacation.

GMA NEWS REPORTERS, BAWAL TUMANGGAP NG CASH PRIZE

NAPAKAHIGPIT pala ng ethics manual ng Kapuso Network pagdating sa mga News personnel nila. Bawal na bawal pala sa kanila ang pagtanggap ng regalo, lalo na kung cash, mula sa anumang grupo. At take note, kahit pala cash prize ay kasama rito. Meaning, hindi allowed tumanggap ng cash prize ang mga Kapuso News reporters kapag nananalo sila ng awards.
    
Kamakailan, ilang Kapuso News personalities ang tumanggap ng parangal mula sa Public Attorney’s Office (PAO). Kasama rito sina Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Chino Gaston, Steve Dailisan, Bernadette Reyes, at si Joel Reyes Zobel ng DZBB.
    
Isa raw ang nakapagbalik agad ng cash on the spot. Habang huli na nang nalaman ng iba na may cash prize palang kasama ang award kaya ang nangyari, kaagad nilang idinonate ang nasabing pera sa Kapuso Foundation.
    
Well, mukhang living up sa Serbisyong Totoo slogan nila. Ang iba kaya?